TINULDUKAN na ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang mga chikang naghahanda na raw siya sa pagtakbo sa darating na eleksyon.
May mga tsismis kasi na ilang partido ang kumukumbinsi sa award-winning actor na kumandidato sa Eleksyon 2022 para sa isang national post.
“Wala, wala po akong plano sa 2022,” ang diretsong pahayag ni Dingdong sa ginanap na virtual mediacon kanina para sa three-part anniversary special ng award-winning infotainment program na “Amazing Earth” na magsisimula na sa Sunday, June 13.
Aniya, wala ring katotohanan ang mga balita na may mga nanliligaw na political party para tumakbo siya sa kongreso para sa isang party list.
Sabi pa ni Dingdong sa nasabing zoom presscon, hindi rin nila napag-usapan ng asawa niyang si Marian Rivera ang tungkol sa Halalan 2022 dahil wala naman daw talaga silang dapat pag-usapan.
Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang pag-e-explore ni Dong sa mga “unchartered territories” sa iba’t ibang panig ng mundo at maka-discover ng kakaiba at inspiring stories “through the work of local heroes” sa three-part anniversary special ng “Amazing Earth.”
Kuwento ni Dong, napakarami pang surprises and great deal of destinations ang mapapanood sa mga susunod nilang episodes, “Team Amazing Earth has a lot in store for our viewers in celebration of our third anniversary.
“We know na with the pandemic, hindi lahat ay nakakapasyal to explore the many beautiful sights that this planet can offer.
“Kaya naman our program is very much excited to take our viewers to more breathtaking destinations across the country and around the world,” ani Dingdong.
Natutuwa rin ang Kapuso star na kahit paano’y nakakapagbigay sila ng inspirasyon para sa mga nangangalaga sa kalikasan at sa environmental protection.
“We feature local heroes para makita natin kung ano ba ‘yung mga puwede nating gawin for our environment and it’s not just limited to tree planting, it could be as simple as educating everyone tungkol sa mga kuwentong bayan na may kinalaman sa kalikasan,” pahayag pa ni Dingdong.
Now on its new primetime timeslot, “Amazing Earth’s” special episodes feature wildlife stories from the BBC nature documentary “Seven Worlds, One Planet,” presented by renowned narrator David Attenborough and filmed across 7 continents in 41 countries.
This Sunday, get warm and cozy with the wildlife living in the European hinterlands – from the mountainous regions of Italy and Spain to the forests of France and Finland to the freezing Arctic Circle. Discover the suspense-filled ways of female brown bears, male musk ox, wolves, red deers, and Barbary macaques in their natural habitats.
Tutukan din ang exclusive interview ni Dong kay Mayor Vico Sotto na kinunan pa sa Pasig Rainforest Park at ang pagtuklas ng programa sa ganda ng Bohol kabilang na ang tinatawag nilang misteryosong Tambuko cave at underwater lagoon! Totoo nga bang may naninirahan ditong nga diwata?
Abangan lahat yan sa “Amazing Earth”, directed by Rico Gutierrez, sa bago nitong oras tuwing Linggo, 7:40 p.m. bago ang “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa GMA 7.