Ogie 'ma-L' daw sey ng dyowa; tumitingin pa rin sa lalaki pero baka makabuntis uli ng babae... Bandera

Ogie ‘ma-L’ daw sey ng dyowa; tumitingin pa rin sa lalaki pero baka makabuntis uli ng babae…

Reggee Bonoan |June 11,2021
share this

Ogie ‘ma-L’ daw sey ng dyowa; tumitingin pa rin sa lalaki pero baka makabuntis uli ng babae…

Reggee Bonoan June 11,2021 - 11:19 AM

HINDI na ang talent manager at comedian na si Ogie Diaz ang ka-collab ng aktres na si Aiko Melendez sa kanyang YouTube channel.

Sa isang vlog ni Aiko, guest naman  niya ang partner ni Ogie na si Mommy Sowl na isa na ring vlogger ngayon. Walang takot siyang nagkuwento sa chikahan ng aktres tungkol sa sex life nila ni Ogie at sinagot din ang tanong kung tumitingin pa sa mga lalaki ang komedyante.

Matagal nang magkakilala ang dalawa at nagkita sila sa isang salon kamakailan at hayun habang kinukulayan sila ng buhok ay tsikahan sila nang tsikahan.

‘Kumusta ka na?” bungad ni Aiko kay Mommy Sowl.

“Okay naman ako, happy naman mas lalo na ngayon yes vlogger mommy Sowl,” nakatawang sagot ng nanay ng nga anak ni Ogie.

“O, di ba, kumikita na si Mommy Sowl,” nakangiting sabi ni Aiko.

“Oo. Dati kasi bahay, mga bata, school, ‘yan ‘yung everyday na (ginagawa ko), di ba? Ngayong nakakalabas na ako magba-vlog, nae-enjoy ko naman,” kuwento nito.

Dagdag pa niya, “Dati kapag may nag-i-invite sa akin na ma-interbyu ako, hindi ako pumapayag kasi sobrang camera shy ako. Hindi ko talaga kaya saka hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pero ngayon nasasanay na ako, nae-enjoy ko na.”

At dahil vlogger na si Mommy Sowl at medyo busy na sa paghahanap ng content para sa kanyang YT channel ay natanong ni Aiko kung kumusta na ang relasyon nila ni Ogie na abala rin sa kanyang  tatlong channel.

“Okay kami pero siyempre, wala namang perfect. Lahat naman nagkakaproblema pero so far, naaayos ko pa naman, nakakaya ko pa, naa-adjust ko pa ‘yung sarili ko sa pagiging bading niya. Ha-hahaha!” humalakhak na sabi ng asawa ni Ogie.

Tawang-tawa rin si Aiko sa narinig na kuwento na tinakpan pa ang mukha nito sa katatawa.

Sa pagpapatuloy ni Mommy Sowl, naikuwento niya nang may mag-interbyu sa kanila ni Ogie at natanong kung tumitingin pa ang huli sa lalaki.

“Alam mo ‘yun ang tagal niyang sumagot? Pero ako na ‘yung sumagot ng, ‘oo naman! Baka i-deny niya pa, eh,” pagtatapat ni Mommy Sowl.

Sabay tanong ni Aiko, “Nagseselos ka pa rin?”

“Sa lalaki hindi, mas sa babae. Kasi sa babae puwede niyang mabuntis, di ba? Sa lalaki, (dedma expression),” sagot niya.

Sabi naman ng kumare ni Ogie, “Pero sa usapan namin mader Ogie wala na siyang bubuntising iba kundi ikaw lang.”

“Hmmm, hindi rin ako naniniwala. Ha-hahaha! Kung mag-iingat siya,” tumawang sagot ng nanay ng mga anak ng talent manager-vlogger.

“Ha?” gulat na sabi ni Aiko. “So si mader Ogie maano (ma-L)?”

Walang kagatul-gatol na sagot ni Mommy Sowl, “Sobra!”

“Oh my God!” reaksyon ni Aiko habang tawa nang tawa ang kausap.

Dagdag pa ni mommy Sowl, “Hindi ako naniniwalang wala siyang bubuntisin, pero kung mag-iingat siya siguro.”

“Ano sa tingin mo mare, mayroon ba siyang nilalanding babae ngayon?” tanong ni Aiko.

“Hindi siya ang maglalandi, eh.  Siya ang lalandiin kaya lang bumibigay siya kasi nga ma-L. Ha-hahaha!” pambubuking pa ni Sowl kay Ogie.

Hindi pa naman daw niya nahuhuli ang kanyang hubby pero, “Alam ko kasi ang kapasidad ni Ogie pagdating sa babae hindi siya manliligaw pero pag gumawa ‘yung babae, madali siyang bumigay kasi ang katwiran niya ganito, ‘kaya nga ako binigyan nito (private part), anong gagawin ko dito? Saan mo ba ipapasok, e, di sa tamang butas na.”

Natawa ulit si Aiko sa narinig na kuwento tungkol sa kumpareng Ogie niya.

Na-attract pa ba sa ibang lalaki si Mommy Sowl, “Nagkaka-crush, yes (pero walang malisya raw). Wala, simula nu’ng (nag-isip muna), kasi ang usapan naming dalawa, ang promise ko sa kanya, ‘kung sino ‘yung magiging lalaki sa buhay ko at tatay ng mga anak ko siya na hanggang (huli).”

Pero hindi naman itinanggi ni Mommy Sowl na may mga nagpaparamdam sa kanyang mga lalaki pero hindi niya ini-entertain, “Dahil mahal ko si Ogie!”

Sa tanong kung gaano sila kadalas mag-sex, “Hindi mo masabi, awkward ba? Minsan once a month. Kasi sobra kaming na-trauma kay Meerah (Khel, premature baby).  Sobra kaming natakot.”
“Hindi ka nagpi-pills?” tanong uli ni Aiko.

“Hindi, eh. Kahit noon pa wala akong…kasi dati gumamit ako kaya lang na-change hormone ako,” katwiran pa niya.

“Bakit hindi withdrawal?” tanong ulit ng aktres.

“Ginagawa namin, kasi hindi na-perfect kaya nga dumami sila,” tumatawang kuwento ni Mommy Sowl.

Dagdag pa niya, “Dati kasi ang contact namin ni Ogie, 3 to 4 times a week kami.”
“Ha?” gulat na gulat na reaksyon ni Aiko.

Ang trauma na naranasan nina Ogie at Mommy Sowl ay napalitan naman ng sobra-sobrang blessings sa kanila, “Mas celebration nga kami ngayon kasi nabuhay si Meerah.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending