KALIWA’T kanang batikos ang inabot ni Isabelle Daza at ng kanyang asawang si Adrien Semblat dahil sa pagsusuot ng caps na may nakasulat na “vaccinated by Pfizer.”
Hindi nagustuhan ng karamihan sa mga netizens ang ginawa ng mag-asawa at tinawag pang “insensitive” at “irresponsible” ang pagpo-post nila ng kanilang litrato suot ang nasabing cap.
Ang nakasulat sa caption ng kontrobersyal na Instagram post ni Isabelle, “Mom & Dad got vaxxed. Theres something about @upperhouse_hkg that is so energizing. Love this space!”
Sa Hong Kong nagpaturok ng COVID-19 vaccine sina Isabel dahil sa pagkakaalam namin doon na sila naninirahan ngayon kasama ang kanyang mga anak dahil naroon ang trabaho ni Adrien.
Deleted na ang pinag-uusapang Instagram post ng dating “Eat Bulaga” host sa kanyang account ngunit marami na ang nakapag-screenshot nito at ni-repost sa kani-kanilang socmed account kalakip ang mga maaanghang na komento laban kina Isabelle.
Sabi ng isang Twitter user, “So anong purpose nung post ni Isabelle Daza na vaccinated sila ng Pfizer? Magyabang? If it’s meant to raise awareness on the importance of vaccination, bakit kailangan included ‘yung brand?”
Komento ng isa pang nabwisit kay Isabelle, “Being in a country where we have no means to choose — this is so cringey and irresponsible, not to mention hypocritical coming from her who supposedly wants to share ‘meaningful’ and ‘valuable content.'”
“Not Isabelle Daza making vaccination a social status. Remember guys, the best vaccine is the one which is available,” sabi naman ng isa pang netizen.
“Wala bang ‘vaccinated by Sinovac?’ Because I want that. #RichPeople.”
In fairness, may mga nagtanggol naman sa aktres at TV host na nagsabing wala namang masama sa ginawa ng mag-asawa. Gumagawa lang daw ng issue ang bashers kahit hindi naman big deal.
“Twitter peeps go loco when isabelle daza posted this. Like, ngano mo masuko? Annoying kaaayo mug reasons,” sabi ng isang netizen.
Komento pa ng dumepensa sa anak ni Gloriq Diaz, hindi pagiging insensitive o iresponsable ang litratong ipinost ng mag-asawa sa socmed dahil for a good cause naman daw ito.
“I AGREE WITH YOU ON THIS. IT’S PH GOVERNMENT’S RESPONSIBILITY TO HAVE EVERYONE VACCINATED – NOT ISABELLE DAZA TO SPONSOR/DONATE VACCINE *rolls my eyes,” pag-sang-ayon ng isa pang nagtanggol kay Isabelle.
Sa mga hindi pa aware, ang mga cap na suot nina Isabelle at Adrien ay ibinebenta sa halagang $49.99 o halos P3,000 bawat isa. Ang kikitain sa fundraising project na ito ay ido-donate para pangtulong sa COVID crisis sa India.
Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag nina Isabelle hinggil sa isyung ito.