John Arcilla nag-react sa ‘unli bala’, ‘unli tauhan’ comment laban sa Probinsyano: May magagalit!

SA gitna ng mga balitang tatapusin na ang seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin ngayong Setyembre, marami pa rin ang patuloy na sumusubaybay sa walang kamatayang kuwento ni Cardo Dalisay.

Ngunit sa dami ng mga pangunahing karakter na napapanood sa action-drama series ng ABS-CBN palaging ang role ng veteran actor na si John Arcilla at ni Coco ang napapansin ng mga viewers.

Nito lang nakaraang araw, marami ang nag-comment sa napanood nilang bakbakan sa pagitan ng kampo nina Renato Hipolito (John) at Cardo Dalisay (Coco) dahil sa “unli-bala” at “unli-tauhan” na nangyayari sa mga eksena.

May nakakaaliw na explanation naman si John Arcilla tungkol diyan, aniya sa panayam ng ABS-CBN, “Magagalit ang sponsor! Ha-hahaha! Kapag kinunan pa namin ang lahat ng pagpapalit nila ng bala, mauubos ang isang episode!” 

Katwiran pa niya tungkol sa hindi mahuli-huli at hindi mamatay-matay na karakter niya sa serye, “Magaling kasi ako sa intelligence as Renato Hipolito (kaya tumatagal ang buhay niya bilang kontrabida ni Coco).” 

Kung matatandaan nga, matindi ang koneksyon ng role niya sa mga teroristang grupo pati na ang kapit niya sa mga corrupt government official na siyang nagpi-finance sa mga ilegal niyang gawain sa kuwento.

Aminado naman si John na may mga pagkakataon na naaalarma rin siya sa mga natatanggap niyang hate messages mula sa netizens na nakakapanood ng “Probinsyano” lalo na kapag may nagbabanta na sa kanyang buhay.

“Actually, naging anxiety ko iyon for a while. Iyon din siguro ‘yung naging dahilan kung bakit nakipagbiruan ako sa followers lately, para ipakita sa kanila na, ‘Come on, don’t take it seriously! This is just a teleserye, we’re just giving you some fun.’

“At the same time, we’re also trying to give some relevance. Of course, we also want to impart some lessons, kung ano ‘yung nangyayari sa ating society, sa ating family, hindi lang naman purely entertainment,” paliwanag pa ng award-winning actor sa nasabing interview.

Kamakailan ay nabalitang sa darating na Setyembre na matatapos ang kuwento ni Cardo Dalisay dahil may balak umanong tumakbo sa pagkasenador si Coco sa Eleksyon 2022. 

Wala pang official statement ang ABS-CBN tungkol dito kaya abangers pa rin ang lahat kung malapit na nga ang ending ng buhay ni Cardo at ng kanyang nga kalaban.

Read more...