DANIEL hiyang-hiya pag pinagkakaguluhan ng fans


Hindi pa rin pala sanay si Daniel Padilla sa mga tilian at palakpakan ng kanyang mga fans sa tuwing meron siyang proyekto, mapa-concert man, teleserye o guesting.

Sa katunayan, hiyang-hiya pa rin siya kapag nakikita niyang nagkakagulo ang mga tao kapag nakikita siya. “Hindi pa rin ako sanay, actually sa lahat ng shows at sa kahit ano never akong nasanay, parang feeling ko first time ko na show parate,” sey ng ka-MU ni Kathryn Bernardo na bida sa  Got To Believe ng ABS-CBN.

Ayon pa kay Daniel, hindi siya masyadong nagpapaapekto sa kasikatan niya, “Basta mapasaya ko ‘yung mga fans ko ‘yun lang masaya na ako!”

( Photo credit to Google )

Read more...