Laiterang netizen na nagsabing ‘pangit pala si Miss Kris pag walang makeup’ sinupalpal

HINDI pinalagpas ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang panglalait ng isang basher sa kanyang itsura.

Isang netizen ang nag-post ng kanyang negatibong komento sa litrato ng award-winning TV host-actress na nasa kanyang official Facebook account.

“Pangit pala (si) Miss Kris pag walang makeup. Sorry just saying,” ang pang-ookray ng FB user sa itsura ng mommy nina Joshua ay Bimby.

Ngunit sa halip na ma-offend o mabwisit, may iniwang mensahe si Kris para sa kanyang hater. Aniya, “Beauty is in the eye of the beholder. I could so easily say a very bitchy comment about your looks right now pero bakit pa? 

“Hindi naman ikagaganda ng buhay ko and hindi rin makakatulong sa lipunan,” ang bwelta niya sa basher.

Dugtong pa ni Kris, “Siguro you need to find your happiness? And thank God di ba, ako gumaganda pag may makeup.”

Mapapansin na hindi na masyadong pumapatol ang TV host sa mga trolls at negatron sa social media dahil ayaw na niyang ma-stress at maneha ang kanyang tahimik na buhay.

Ngunit ipinagdiinan ni Tetay na kapag ang mga anak at pamilya na niya ang binabastos at inaapi, ay ibang usapan na raw yun. Kamakailan lang ay talagang sinupalpal ni Kris ang mga nam-bash at nambatos sa kanyang mga anak sa socmed.

“You know I have had enough of this bullsh*t. If that’s the only thing you can criticize about my son then I have really done a f*cking great job as a mom. 

“On the other hand I must say the fact that you choose to pick on the gestures of a 14-year-old boy says so much about your lack of propriety.

“I have shut up for too long but I have had it. This is my feed,  and you are bullying the wrong boy. I am not going to criticize you physically but I will call you out on your lack of decency. 

“You cannot handle attacking me so you are attacking my son. You chose the wrong mom. I look forward to the day I see you face to face,” matapang na pahayag ng TV host.

Dahil dito, nagdesisyon siya na limitahan na lamang ang pagpo-post niya sa social media, “I’m partly to blame kung nadamay man mga anak ko. I’m taking full responsibility. 

“I can never shield them fully because from the time they were born, I was already Kris but I can choose what I can show you.

“Wala akong utang na loob sa mga taong walang magawa sa buhay nila kundi pintasan ako. Pero napakalaki ng utang na loob ko dun sa mga taong come what may, minamahal niyo ko,” diin pa niyang pahayag.

Read more...