TODO na ang paghahandang ginagawa ngayon ng beteranang weightlifter na si Hidilyn Diaz para sa Summer Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan.
Super excited at mataas pa rin ang fighting spirit ni Hidilyn habang nagkukuwento tungkol sa kanyang preparasyon para sa nalalapit na kompetisyon.
“Kagagaling lang namin sa Asian Championship pero tuloy ang laban dahil mandirigma tayo,” simulang pahayag ng Olympic medalist na kasalukuyang nasa Malaysia at patuloy na nagsasanay.
Una nang naiulat na nasungkit ni Hidilyn ang ikaapat na pwesto sa Asian Weightlifting Championship na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan. Nagtala si Hidilyn ng 94kg sa snatch category at 118kg naman sa clean and jerk. Ito ang nagpaigting ng kanyang kwalipikasyon para mapasama sa nalalapit na Olympic event sa Tokyo, Japan.
“Akala ko noong una, imposibleng magkaroon ng laro, imposibleng makaalis sa Malaysia, imposible na makakaapak ako sa international platform, at imposible na ma-meet ko ang 6th Olympic qualifying competition na required para makapag-qualify ako sa Summer Olympics… but with God, all things are possible,” pahayag pa niya.
Sa likod ng tagumpay na ito, hindi alam ng marami ang mga pagsubok na pinagdaanan, hindi lang si Hidilyn, kundi maging ng kanyang team of coaches simula pa noong Pebrero ng nakaraang taon.
Na-stranded kasi sila sa Malaysia matapos i-deklara ng gobyerno nito ang national lockdown dahil sa pandemic. Nakatakda sanang lumipad patungong Colombia si Hidilyn para lumaban sa Ibero-America Open Championships, isa sa mga Olympic-qualifying competitions.
Ngunit nagsara ang mga borders, na-postpone at nakansela ang mga competition, at pinauwi sa kani-kanilang bansa ang mga atleta.
“Mahirap na part noong nangyari ang lockdown all over the world, ‘di namin alam ang gagawin, kung ano ang next move. Wala rin kaming kilala dito sa Malaysia, walang connection, ‘di namin alam ang lugar, at ano ang mga bawal at pwede.
“Then syempre, during this moment, ‘di maiwasan na magka-anxiety, mag-overthink, may takot at na-miss ang pamilya,” sey pa niya.
Dahil hindi makabalik ng Pilipinas, naging challenge para kay Hidilyn ang training. Dito naging creative ang dalaga at ang kanyang mga coach. Ginamit nila ang mga maluluwag at bakanteng parking lots, mga galon ng tubig, at maging ang mga mabibigat na metal gates sa tinutuluyang condo. Ito ang naging gym, weights, at monkey bars ni Hidilyn.
“Gagawin ang lahat basta makapag-training. Mula sa mga galon ng tubig naging bag na may laman ng galon ng tubig. Pati gate ‘di pinalampas. ‘Yan ang atletang Pinoy, ‘di sumusuko at madiskarte!
“Mahirap ma-lockdown at hindi makapag-training pero kailangan maging proactive at gumawa ng paraan,” sabi pa ni Hidilyn.
Sa Hulyo na nakatakdang ganapin ang Summer Olympics at ito ang ikaapat na paglahok ni Hidilyn. Gaya ng mga nauna na niyang laban, may misyon ang kampeon ng Pilipinas – ang mag-uwi ng gintong medalya.
Malaki ang pasasalamat ni Hidilyn sa kanyang mga coach na nagtutulong-tulong para siguraduhin na maayos ang kanyang training at nasa kondisyon ang kanyang katawan para sa nalalapit na competition.
“Sinisiguro din nila na I do not lose sight of our goal. Kaya naman nanatili akong focused at determinado na pagbutihin pa ang training araw-araw kasama ang team ko na kagaya ko ay marami na rin ang naging sakripisyo para maging representative ng ating bansa.
“Madalas lahat ng parte ng katawan masakit. Kahit nga utak minsan kasi mental game din ang weightlifting. Kapag na-out of focus ka, maapektuhan ang performance mo,” pahayag pa ng tunay na mandirigmang Pinoy.
Ito ang dahilan kaya isa si Hidilyn sa mga perfect brand ambassador ng Alaxan FR, “Handa ulit akong lumaban sa training the next day. Sa sakit ng katawan, sa lahat ng laban natin sa buhay, ang mandirigma tulad ko, laban lang.”
Ang Alaxan FR ay produkto ng pharmaceutical at health care company na Unilab. Ito ay doctor-recommended na pain reliever laban sa iba’t ibang sakit ng katawan.
Sa huli, nagpaalala ang champion weightlifter para sa lahat ng tulad niyang mandirigma, maging community pantry organizer man ito o delivery rider, na patuloy lumalaban sa buhay ngayong new normal.
“Use this pandemic to prepare and become better so you can achieve your dreams. Lalo na sa mga kabataan na nagsisimula pa lang. ‘Wag susuko kahit mahirap. Ituloy n’yo ang laban para sa pangarap dahil kayo ang mga bagong mandirigma. Laban lang!”
Samantala, bilang isang pagpupugay sa lahat ng mandirigma, inilunsad ng AFR, simula noong Labor Day ang “Mandirigmonth” campaign bilang pagkilala sa mga kalalakihan at kababaihan na simbolo ng sipag at tiyaga sa kabila ng araw-araw na hirap, pagod, at sakit ng katawan.