Angel suportado ang fundraising campaign para sa mahihirap na estudyante

IPINOST ni Angel Locsin sa kanyang Instagram account ngayong araw ang kanyang larawan na nakasuot ng facemask at may hawak na maroon shirt na may nakalagay na, “UPIS THE BEST”.

Ang UPIS ay University of The Philippines Integrated School na para sa elementarya at high school.

Ang caption ng aktres sa post niya, “Supporting my friend @frascomortz and UPIS fundraising effort to help underprivileged students from UPIS who are struggling with the costs of home-based learning.

“You may visit upisthebest.com to donate or buy merch. @upis_the_best.”

Kaagad namang pinasalamatan ni Direk Frasco Mortiz ang aktres, “Thank you so much @therealangellocsin.” Sagot naman ng dalaga, “@frascomortz no problem direk.”

Maraming celebrities ang nagpakita ng suporta sa UPIS at marami ring netizens na gustong bumili ng nasabing produkto.

Base sa IG account ng @ upis_the_best, “Mahirap ang home-based learning, lalo na kung hindi makabili ng tablet, o makabayad ng internet. 

“But students and teachers at UPIS faced with these struggles are fighting to make it work. Let’s help them. Visit https://tinyurl.com/upisgoal to find out how.

“As a state school, UPIS has limited options to raise funds to support the needs of its students during these difficult times.

“Alam naman natin na hindi lahat ng estudyante sa UPIS kaya ang gastos ng home-based learning. Sa P600 na donation, malaking tulong na sa pangangailangan nila ngayon. Visit upisthebest.com to donate today.”

Nakaligtaan na nga ba ito ng gobyerno? At bakit hindi ito masyadong nababalita? 

Halos karamihan ng mga nakaupo sa gobyerno ay naging Isko at Iska kaya konting tulong naman sana.

Read more...