Toni, Raffy nagsabwatan para sa nakakalokang prank; sino ang nabiktima?

TAGUMPAY ang isinagawang prank ni Toni Gonzaga sa kanyang Uncle Jojo na nakipagsabwatan pa sa TV host at news anchor na si Raffy Tulfo.

Pinatunayan ng actress-singer na kering-keri rin niya na magsagawa ng bonggang prank tulad ng ginagawa ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga sa mga vlog nito sa YouTube.

Bumisita si Toni sa studio ng broadcaster at YouTube personality ding si Raffy Tulfo para sa isang one-on-one interview at sinamantala na rin nila ang pagkakataon na makagawa ng prank video na ang biktima nga ay ang tiyuhin ni Toni na si Jaime Cruz o Uncle Jojo.

Ang eksena, magpapanggap na galit na galit na kapitbahay si Toni at irereklamo si Jojo dahil sa paglabag daw nito sa safety at health protocols. Tinakot pa niya ang tiyuhin na ire-report sa barangay ang kanyang mga ginagawa. 

At para makunan ang reaksyon ni Jojo, nakiusap si Toni sa asawa ni Alex na si Mikee Morada na i-record ang pakikipag-usap nito sa kanila ni Raffy. 

Halatang inatake ng nerbiyos si Jojo habang nakikipag-usap kay Raffy hanggang sa ibuking na nga ni Toni na, “It’s a prank!” 

“Na-stress yan. At least lesson yan. Di na lalo yan lalabas ng bahay. Ha-hahaha! Grabe hindi ka na nasanay kay Catherine (Alex) lagi ka naman niya pina-prank. O, di ba? Iba rin ako mag-prank,” natatawa pang chika ni Toni.

Humingi naman agad ng paumanhin si Raffy sa uncle nina Alex at Toni dahil ramdam na ramdam daw niya ang stress sa boses ni Jojo.

Sa huling bahagi ng video, sinabi ni Raffy na mas bumilib pa siya sa acting skills ni Toni, “Walang sinabi si Alex Gonzaga. Pag meron akong kaaway, puwede itong pambato.”

Tinanong pa nga niya ang aktres at TV host kung paano niya nagagawa ang ganu’ng kabilis na pag-absorb sa isang karakter, sagot ni Toni, “Alam n’yo sa PBB (Pinoy Big Brother) kasi madalas kami mag-live nung season 1 tapos ang number one problem lagi is mag-o-overtime na kami. 

“Pero tuwing matatapos na yung programa, laging may malaking pangyayari na kailangan kong i-explain pero sasabihin sa akin, ‘Puputulin na tayo in 10 seconds, puputulin na tayo in 15 minutes.’ 

“Kaya nasanay ako na magsalita ng mabilis. Kailangan in 15 seconds masabi ko yung importanteng sasabihin bago ako malagyan ng logo ng PBB sa mukha pag overtime na,” chika pa ni Toni.

Read more...