KAHIT sa isang “disaster moment” ng kanyang pamilya ay palaging may nakikitang silver lining ang aktres at vlogger na si Andi Eigenmann.
Ibinahagi ng celebrity mom sa kanyang fans at Instagram followers ang nangyari sa kanilang mag-anak nang minsang masiraan sila ng sasakyan sa gitna ng kalsada sa isang lugar sa Siargao.
Aniya, yung mga ganu’ng pagkakataon sa kanyang buhay kung saan kasama niya ang fiancé na si Philmar Alipayo, at ang mga anak na sina Koa, Lilo at Ellie, ang ite-treasure niya nang bonggang-bongga.
Ipinost ni Andi sa IG ang ilang litratong kuha habang naghihintay sila ng tulong para magawa ang kanilang sasakyan.
“I wanted to share the hassle of a day we had, but as I scroll through, I notice the big smiles, and can’t help but recall this moment as a fun one! All we had was each other,” pahayag ng aktres.
Ang problema pa nila, wala silang telepono at tubig at talagang tagaktak na ang kanilang pawis dahil sa matinding init, “And we were (mostly papa) being eaten alive by noknoks!”
“Sometimes things, life, just doesn’t go our way. It may be upsetting/ it may cause our heads to explode. But we can also accept it graciously and be grateful instead,” dagdag pang pahayag ni Andi.
Chika pa niya, ang nasabing experience ay isang, “important lesson I am happy that my fiancè and I both want to instill in our children.”
“And looking back, it makes me proud to realize that maybe it was the kids that taught us this lesson in the first place,” sabi pa ng anak ni Jaclyn Jose.
Hindi rin daw nagreklamo ang kanyang mga anak sa nangyari sa kanila, “They were just enjoying themselves, being out in the world, amongst all those coconut trees.”
“They were just curious about what had surrounded them, and it was just papa and I that joined in on their little adventure. It’s nice to stop and try to see the world through children’s eyes,” sabi pa ni Andi.