Bianca King ikinasal na sa bayaw ni Iza Calzado

Hindi naging hadlang ang pandemya sa pag-iisang dibdib nina Bianca King at Ralph Wintle.

“Married in our living room ❤️,” ang caption ni Bianca sa kanyang Instagram post nitong Biyernes sa Sydney, Australia.

Simpleng dress at hindi wedding gown ang suot ng 35-taong-gulang na dating actress-model. Si Ralph naman ay naka smart casual lamang.

“Welcome to the family,”  ang mensahe kay Bianca ni Iza Calzado, hipag ni Ralph.

Isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon noong Agosto 2019 sa pamamagitan ng mga romantikong post sa Instagram. Ito ay walong buwan matapos na magkilala ang dalawa sa kasal ni Iza sa nakatatandang kapatid ni Ralph na si Ben Wintle.

Nakilala si Bianca sa papel nitong Noemi Manansala sa thriller drama series na “Sinner or Saint” (2011), bilang  Aviona sa sikat na fantaserye na “Mulawin” (2004), at pati na rin sa coap na “Luna Blanca” (2012), kung saan ginampanan niya ang title role na Luna.

Read more...