Barbie epektib na kontrabida sa Julie Anne-David loveteam; Klea, Jeric eeksena sa ‘Heartful Cafe’

BITIN na bitin ang feeling ng Kapuso viewers sa guesting ni Barbie Forteza sa hit primetime series ng GMA na “Heartful Café”.

Iba’t iba ang nabasa naming reaksyon mula sa mga manonood sa naging karakter at pagganap ng Kapuso Primetime Princess sa serye bilang si Cors.

Si Cors kasi ang naging problema at balakid sa inaasahang pagkakamabutihan nina Heart (Julie Anne San Jose) at ng boyfriend niyang si Ace (David Licauco).

Sa kuwento, LDR ang status nina Cors at Ace ngunit nag-cheat si Cors sa katrabaho niyang Filipino sa Malaysia. At nang bumalik siya sa Pilipinas nagkita uli sila ni Ace na naging sanhi ng matinding pagseselos ni Heart.

In fairness, kahit maikli lamang ang special appearance ni Barbie sa serye pero talagang tumatak ang karakter niya sa viewers at umani pa ng papuri mula sa netizens.

Karamihan sa mga nagkomento sa Twitter at Facebook ay nagsabing kering-keri rin pala ni Barbie ang gumanap na kontrabida. Sabi ng isang fan, kahit wala pa raw sinasabi si Barbie ay nakakainis na ang expression ng kanyang mukha.

Samantala, sa pagbabu ni Barbie sa “Heartful Café”, eeksena naman ang tatlo pang Kapuso stars sa serye —sina Klea Pineda, Jeric Gonzales at Erin Ocampo na mapapanood na tonight.

Gaganap si Klea nilang si Ivy Mendoza na isa sa mga successes ni Heart sa pagma-matchmake dahil nai-pair siya nito sa isa ring regular customer sa Heartful Café, si Warren Candelario to be played naman by Jeric. Engaged na ang magdyowa at malapit nang ikasal. 

Gagampanan naman ni Erin ang karakter ni Lily Ibardaloza, ang girl best friend ni Warren na siya ring magiging wedding planner sa kasal nina Warren at Ivy.

Ano na naman kaya ang magiging koneksyon nila sa buhay nina Heart at Ace? May mangyari kayang hindi maganda sa relasyon ng engaged couple? Yan ang kailangan n’yong abangan sa pagpapatuloy ng laging trending na “Heartful Café” sa GMA Telebabad.

Read more...