Batang Pinoy binigyan ng standing ovation sa ‘AGT 2021’ audition; mga judge na-shock

NAPANGANGA ang “America’s Got Talent” judges na sina Simon Cowell, Heidi Klum, Sofia Vergara at Howie Mandel habang nagpe-perform on stage ang 10-year-old Pinoy contestant.

Nakatanggap ng standing ovation ang batang si Peter Rosalita mula sa mga hurado ng “AGT Season 16” matapos ang kanyang audition kung saan ibinirit niya nang bonggang-bongga ang kantang “All By Myself.”

Bago kumanta si Peter, ipinakilala muna niya ang sarili kung saan ibinandera nga niya ang pagiging Filipino pero isinilang daw siya sa Abu Dhabi, UAE. 

Inamin din niya na grabe ang nararamdaman niyang kaba habang nakasalang sa stage ng “AGT”.

Naaliw pa nga ang mga judge ng “AGT” nang sabihin ng bata na plano niyang bumili ng Nintendo Switch at laptop para sa kanyang online schooling kapag nanalo siya sa contest.

Ayon kay Simon, kinilabutan daw siya habang kumakanta at bumibirit si Peter, “That was an incredible audition. There were parts during the audition which literally gave me goosebumps.

“You have an amazing voice, an amazing personality, and amazing energy. Everyone is going to fall in love with you after this audition,” papuri pa ni Simon tungkol sa bagets.

Sabi naman ni Heidi, hindi niya inakala na ganu’n kataas ang boses ni Peter. Kinabahan pa nga raw siya dahil baka may mabasag na salamin ang sobrang taas na boses ni bata. Hirit pa niya, “Mariah (Carey) better watch out.”

Samantala, trending ngayon ang audition video ni Peter sa Season 16 ng “America’s Got Talent” sa social media. Ito ang Most Popular Video ngayon sa Official Facebook page ng nasabing talent show sa US. 

Mensahe naman ni Peter tungkol sa naging experience niya sa “AGT,” “Happiness comes in many forms and I am so blessed to have found it, doing what I love the most—singing.

“I have America’s Got Talent to thank for making a small boy’s dream of having the world to hear his big voice come true. Much love to all who support and believe in me,” ang sabi pa ng bagets sa kanyang Facebook post.

Read more...