SB19 member Pablo wagi sa 2021 Djooky Music Awards; pinapili sa 2 bonggang premyo

WAGING-WAGI ang miyembro ng award-winning P-Pop group na SB19 na si Pablo sa Djooky Music Awards (DMA) Spring Edition 2021.

Siyempre, nagpipiyesta ngayon ang mga A’TINs sa bagong achievement ng kanilang idolo at talagang proud na proud sila sa buong grupo sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanila.

Si Pablo, o John Paulo Bagnas Nase sa tunay na buhay, ang nakapag-uwi ng top prize sa DMA Spring Edition 2021 para sa kanyang kantang “Determinado.”

Ang nasabing kanta ay collaboration ni Pablo at ng rapper na si Josue. Bumandera sa Twitter page ng DMA ang announcement ng bonggang pagkapanalo ng SB19 member.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang DMA ay ang first-ever global online song contest na huhusgahan ng ilang judges mula sa big-time musicians mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo kabilang na ang Filipino artist na si Christian Bautista.

Ang pagpili ng winners ay collective decision ng mga hurado at boto mula sa mga fans.

Base sa official website ng DMA, maaaring pumili ng kanilang premyo sina Pablo at Josue kung cash prize ba worth $20,000 o all-expenses-paid trip to Los Angeles kung saan mabibigyan siya ng chance na makapag-record ng song with multi-platinum American producer Brian Malouf at Capitol Studios.

Idinaan din ni Pablo sa Twitter ang pagpapasalamat niya sa bagong award na natanggap, “YESSSSS!!!!!!!! Thank You A’tin!!! I love you alll!!!! @josuengmusika Panalo!!!!!! Wuhuu.

“Thank you you also @djookymusic for this opportunity. You’ve helped a lot of artists through this platform and I hope the community gets even bigger.

“I got to listen to amazing artists from all over the world. Somehow, I also got a glimpse of their culture. Congratulations,” mensahe pa ni Pablo.

Nanalo naman sina DMP at Mossa, na parehong mula sa Solomon Islands, ng second at third place ng  Djooky Music Awards (DMA) Spring Edition 2021, respectively.

 

Read more...