Kris nagpaturok na rin ng COVID-19 vaccine; may hirit kay Mark Leviste

NATURUKAN na rin ang Queen of All Media na si Kris Aquino ng unang dose ng COVID-19 vaccine kahapon, June 1.

Ibinalita ito ng TV host-actress sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kung saan nakasabay pa niya sa pagpapabakuna ang kaibigang abogado na si Atty. Gideon Pena.

Nag-post pa si Kris ng litrato niya sa IG kasama sina Atty. Gideon, ang anak na si Bimby at si Batangas City Vice Governor Mark Leviste.

Aniya sa caption, “@attygideon and I have both gotten our first doses of our vaccine. My doctors chose AstraZeneca as my safest option.

“But we are still masked and we’re all taking the necessary precautions (new cases reported today are still 5,177),” sabi pa ni Tetay.

Kasunod nito, nagbigay din ng mensahe si Kris kay Vice Governor Mark Leviste matapos siyang bisitahin nito at pasalubungan ng pagkain pagkatapos siyang magpabakuna.

Hinikayat din niya ito na magturok na rin ng COVID-19 vaccine, “Thank you for the visit and the food Vice Gov @markleviste, although I believe you should get your vaccine soonest.

“Because you’re not just protecting yourself, you must get your vaccine for the safety of your constituents, friends, family, and loved ones. Agree?” pahayag ng TV host.

Kung matatandaan, na-link noon si Kris sa bise gobernador ng Batangas matapos mabalitang nakita silang nagdi-dinner together sa isang restaurant sa Makati.

Ayon sa chika, si Vice Gov. Mark daw ang bagong manliligaw ng mommy nina Bimby at Josh kaya palagi raw itong nakikita sa lobby ng isang serviced residence sa BGC.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ni Kris sa isang Instagram post at sinabing siya ay, “single, not dating, peaceful, and just trying to get healthier.”

Naging hot topic din noon ang Instagram “proposal” ni Mark kay
Kris kung saan nagpahayag nga siya ng interes sa TV host ngunit binasag agad siya nito.

Aniya, “It’s not healthy to entertain someone when you know in your heart that feelings for another haven’t been totally extinguished–I think the saying is when you know there are still broken fragments, don’t make someone else pick up the pieces–he’ll end up getting hurt, and you won’t become whole again.

“Repairing what’s broken is a job only for the one who still grieves because the new person had nothing to do with what is your personal pain from the past… Unless I resolve that, I have no business letting someone new into my life. My heart has to know there are absolutely no leftover feelings,” sabi pa ni Tetay.

So, ngayon, ano na kaya ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa? Kayo na ang bahalang humusga! Ha-hahaha! 

Read more...