Alex Gonzaga gusto nang magbuntis at maging mommy, pero…

GUSTO na rin sana ng actress-TV host na si Alex Gonzaga na magbuntis at magkaroon ng sariling baby.

Isa ito sa mga naikuwento ng sikat na vlogger nang mapag-usapan sa isang online chikahan ang tungkol sa kanyang married life at kung ready na ba siyang maging mommy tulad ng sisteraka niyang si Toni Gonzaga.

Ilang buwan na ring kasal ngayon si Alex kay Mikee Morada kaya marami na ang excited sa pagkakaroon nila ng anak. Sabi pa nga ng fans ng TV host, siguradong magiging bibong-bibo rin daw ang magiging baby nila ni Mikee.

Sa interview nga ni G3 San Diego kay Alex, unang napag-usapan ang tungkol sa plano nilang magkaroon ng mas malaking kasalan next year after ng naganap na intimate at-home wedding nila ilang buwan na rin ang nakalilipas.

“Hindi nga rin namin alam, eh. Dapat ang plano namin this year. We were planning kasi na for the next year, ‘yung bigger wedding, same date na lang. Parang one year anniversary para hindi na tayo ma-confuse. Pero right now, as in zero plans,” pahayag ni Alex.

Sa ngayon, hindi pa naninirahan sa iisang bahay ang mag-asawa dahil sa renovation issues ng kanilang  condo at hindi pa tapos ang construction ng sarili nilang love nest.

Bukod pa rito, palagi ring nasa Batangas si Mikee para gampanan ang pagiging public servant kaya talagang kinakarir nila ang paglalaan ng panahon para sa isa’t isa.

“Nagsasama. Palagi. Lagi siyang pumupunta sa akin pero three to four times a week, sa Lipa siya. Ngayon, na-lessen na. Parang dati three to four times a week natutulog du’n, ngayon, two times a week na lang,” paliwanag ni Alex.

At tungkol naman daw sa honeymoon nila ni Mikee, masaya naman daw dahil ka-join din nila ang kanyang parents.

“‘Yung honeymoon namin, siyempre may mga tawag pa rin si Mommy Pinty. ‘Ano’ng ginagawa niyo?’ Inaano na lang nila na, ‘Huwag mong tawagan si Catherine. Tayo na lang,’” sey pa ng actress at vlogger.

May plano pa ba silang mag-honeymoon na sila lang dalawa ng asawa, “Meron pero siyempre hindi mo naman masabi ‘yun kasi may pandemic. Alam mo ‘yung pwede ka namang mag-travel pero hindi naman pwede kasi nga may pandemic.”

At nang mapag-usapan nga ang tungkol sa pagbubuntis at pagiging nanay, “Gusto ko na siya. Pero parang kapag nandiyan na, feeling ko parang hindi ko pala kaya. Parang ganu’n.”

Read more...