NATURUKAN na rin ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor ng unang dose ng COVID-19 vaccine ilang araw matapos siyang mag-celebrate ng kanyang 68th birthday.
Isa ang award-winning veteran actress sa mga local celebrities na pumayag mabakunahan ng Sinovac brand.
Kabilang si Ate Guy sa mga Pinoy na nasa A2 category o sa grupo ng mga senior citizen na nasa listahan ng vaccine prioritization program ng pamahalaan.
Sa Facebook page ng Eastwood City, makikita ang litrato ni Ate Guy na na kinunan pagkatapos niyang mabakunahan. Nakasuot siya ng face mask at naka-thumbs up sign.
Sabi sa caption, “LOOK: The one and only Superstar and Walk of Fame inductee Ms. Nora Aunor gets her jab at Eastwood City’s vaccination center.
“Eastwood City is a proud partner of the Quezon City local government in its efforts to vaccinate more QCitizens.
“Our vaccination center in Eastwood Mall is now open and ready to provide utmost comfort and convenience for the vaccinations of QCitizens who are qualified under the priority list.
“For more information, coordinate with your respective Barangay or visit https://qcprotektodo.ph.
#QCProtekTODO #QuezonCity.”
Samantala, agad namang nilinaw ng kampo ng Superstar na dumaan din sa tamang proseso si Ate Guy bago mabakunahan — mula sa registration hanggang sa pagpila sa vaccination center.
Hindi na rin daw nagtanong ang veteran actress kung anong brand ang ituturok sa kanya, okay daw sa kanya kahit anong available na bakuna.
So far, wala naman daw nararamdamang side effect ang Superstar maliban sa pangangati ng bahagi ng braso nito kung saan siya binakunahan.
Ang iba pang senior citizens na nasa showbiz na nabakunahan na kamakailan ay sina Willie Revillame at Gloria Diaz.