HINDI pa rin basta-basta tumatanggap ng trabaho ngayon ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa.
Number one priority pa rin ni Dingdong sa panahon ng health crisis ang safety ng kanyang pamilya, lalo pa’t bata pa ang mga anak nila ni Marian Rivera na sina Zia at Ziggy.
Ayon sa award-winning actor at entrepreneur, talagang pinag-iisipan niyang mabuti ang bawat offer sa kanya bago tumanggap ng proyekto. Aniya, unang concern niya ay kung ligtas ba at worth it ang pagtatrabaho niya sa labas.
Sa ngayon, ang isa sa regular na show niya sa GMA ay ang infotainment show na “Amazing Earth” at talaga raw mahigpit na ipinatutupad ng production ang health protocols sa kanilang taping.
“Masuwerte ako na ‘yung show namin ang isa sa unang bumalik, dahil ‘yung nature naman nu’ng aming production ay kumbaga very, very safe in terms of how to execute it,” sabi ni Dong sa The Howie Severino podcast.
Aniya pa, “Because parati kaming outdoor, tapos kaunti lang kami. So mabuti na lang ganu’n. At dahil du’n, kami ‘yung isa sa unang pinayagang bumalik. Bukod of course, sa News and Pubic Affairs na talaga kahit anong mangyari nandiyan 24/7.
“Definitely, factor for consideration ‘yung safety. Siyempre mayroon akong mga bata sa bahay. Ayaw mo naman na magbitbit ka ng kung anong virus sa labas at ipasok mo sa tahanan mo.
“Pero siyempre when you talk about ‘yung safety, there are two levels of how you would want to question and approach it, kung paano mo ii-implement ‘yun sa sarili mo at kukuwestiyunin mo rin kung paano in-implement ng workspace mo ‘yung safety na ‘yun,” paliwanag pa ng mister ni Marian.
Dagdag pa ni Dong, hindi rin niya basta-basta tinatanggal ang kanyang face mask kapag may taping siya, “And up to a certain point, you may not have control over the space of your workplace. Pero ang may control ka roon sa sarili mo. So siyempre dapat ‘yun ‘yung palalakasin mo kung saan kay may control.
“So siyempre kapag nasa set ka, sisiguraduhin mo lang talaga na sinusunod mo lahat at least ‘yung minimum safety protocols, kung hindi kinakailangan tanggalin ‘yung mask, huwag mong tatanggalin.
“You always maintain that physical distance. Pero ito naman ‘yung tricky part lalung-lalo na sa trabaho namin, whenever you’re on-cam, there will come to a point na kakailanganin tanggalin (face mask),” aniya pa.
Binalikan din ng aktor yung panahong natapos na ang lock-in taping nila para sa primetime series nilang “Descendants of the Sun” kung saan mas pinili niyang huwag munang umuwi agad sa kanilang bahay.
“Mayroon kaming time nu’ng tinapos namin ‘yung ‘Descendants of the Sun,’ kahit na after nu’ng shooting hindi muna ako umuwi for mga (five to six) days para lang sigurado ako na walang akong nabitbit na kahit anong virus pauwi.
“So may mga ganu’n. ‘Yun ang sinasabi ko, on the personal level, you can really have your own restrictions and sarili mong sistema para mas masiguro ‘yung safety ng pamilya mo at ng sarili mo,” pagbabahagi pa ni Dingdong.