Rita naiyak sa nakuhang nominasyon sa Int’l Filmfest Manhattan; David, EA aamin kina Boobay at Tekla

EMOSYONAL ang Kapuso actress na si Rita Daniela nang malamang kabilang siya sa mga nominado bilang Best Actress sa 11th International Film Festival Manhattan para sa kanyang pagganap sa pelikulang ‘In The Name of the Mother.’

Sa panayam kay Rita ng GMA, inihayag niya ang nararamdamang saya at pasasalamat sa natanggap na nominasyon sa isang international filmfest.

“The fact na napansin ako, na-appreciate nila ‘yung trabaho ko doon sa pelikula na ‘yun, nakakakilig. Kaya ako naiyak kasi parang nakakakilig na nakaka-excite na nakakatuwa,” sey ng dalaga.

Dagdag pa ni Rita, isang karangalang maituturing ang tiwalang ibinigay sa kanua para sa role sa nasabing pelikula na idinirek ni Joel Lamangan.

“First ko narinig sa kanya na ‘Congratulations! You did great in this movie,’ sabi niya, ‘Congratulations in advance. Thank you for giving a good work.’

“‘Yun ‘yung naalala ko kaya naiyak na lang ako nung nakita ko ‘yung nomination kasi sabi ko, ‘Ah, okay. Mukhang totoo nga ‘yung sinabi ni Direk Joel,'” sabi pa ni Rita.

Bukod sa Kapuso singer-actress, nominado rin sa kaparehong category ang beteranang aktres na si Snooky Serna na kasama niya sa pelikula.

Samantala, malapit na muling mapanood sa telebisyon si Rita kasama ang ka-loveteam na si Ken Chan sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Ang Dalawang Ikaw.”

* * *

Mas paiinitin ng “Heartful Cafe” hunks na sina David Licauco at EA Guzman ang weekend ng viewers dahil sila ang special guests sa “The Boobay and Tekla Show” ngayong gabi.

Game na sasagutin nina David at EA ang mga nakakaintrigang katanungan ng hosts na sina Boobay at Tekla sa segment na “May Pa-PressCon.”

Makikipagkulitan din ang dalawang Kapuso actors kasama ang hosts at The Mema Squad sa laro ng charades sa “Galaw Galaw.”

May chance rin sila na maging teammates sina Miss Manila 2020 Alexandra Abdon, Pepita Curtis, Ian Red at Skelly Clarkson.

Huwag palampasin ang nakakaaliw na segment na “Ang Harsh!” kung saan babasahin nina Boobay, Tekla at The Mema Squad ang pinakamasakit na tweets tungkol sa kanila.

Tuloy-tuloy lang ang good vibes at tumutok na sa fresh episode ng “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo, pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” sa GMA.

Read more...