Dingdong tinupad ang kabilin-bilinan ng magulang; matinding hirap ang dinanas bilang working student

MATINDI rin ang pinagdaanang hirap at sakripisyo ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes noong pagsabayin niya ang pag-aartista at pag-aaral.

Kuwento ng award-winning actor at TV host, napatunayan niya na talagang napakahirap maging working student dahil bukod sa  pressure sa trabaho niya sa showbiz, grabe rin ang kailangan niyang isakripisyo para makatapos ng college.

Sa panayam kay Dingdong ng The Howie Severino Podcast, binalikan niya ang naranasang “financial pressure” noong maka-graduate na siya ng higschool. Kinailangan na raw kasi niyang magtrabaho para tulungan ang mga magulang bilang panganay sa limang magkakapatid.

“Yes. Financial pressure because it was my goal to let my siblings also finish school. Okay, so nu’ng high school kasi so siyempre i-expect mo ‘yung college life mo magiging normal pero hindi.

“Para sa akin hindi kasi naging working student na ako nu’n. Pero siniguro ko na hindi ko muna bibitiwan ito, titiisin ko, magtatrabaho ako tapos mag-aaral ako.

“And that when on for seven years, ’98 hanggang 2005. Mga ganu’n. Anim, pitong taon. So naging working student ako nang ganu’ng katagal,” paliwanag pa ng mister ni Marian Rivera.

Pagpapatuloy pa ng Kapuso actor, “So, parang mahirap siya kasi papasok ka puyat-puyat ka galing taping, sabay magpa-participate ka sa class.

“It wasn’t a sweet experience, but I know I had to do it because parating bilin sa akin ng mga magulang ko, ‘Basta kahit anong mangyari tapusin mo ‘yan. Tatapusin mo ‘yan.’

“So, para sa akin ‘yun talaga ang nasa isip ko kasi ‘yun din ‘yung gusto kong mangyari sa mga kapatid ko, e. ‘Tapusin n’yo ‘yan.’ Paano nila tatapusin kung ako mismo hindi ko gagawin?

“That’s why after my seventh year, 2005 talagang nahirapan na ako. Sabi ko medyo kailangan kong mag-pause so I took a leave of absence and nag-concentrate ako sa pag-aartista,” aniya pa.

Ngunit kahit tumigil sa pag-aaral, nangako siya sa sarili na kahit anong mangyari ay tatapusin niya ang kanyang pag-aaral. Kaya nang magkaroon ng chance, bumalik siya sa college at tinapos ang kursong Business Administration, major in Marketing sa West Negros University.

“Araw-araw na. Talagang always on the road. Du’n ko binuhos lahat hanggang sa unti-unti, ayun nga nakita ko na nagiging okay ang mga kapatid ko, nag-graduate isa-isa.

“And nu’ng 2012, I told myself ‘Hindi puwedeng hindi ko tapusin ‘to.’ So I had to find a way kung paano ko matatapos ‘yung naiwan na mga unit ko sa college.

“That’s why I took it upon myself to really finish this because sabi ko, mayroon pa akong dalawang kapatid nu’ng time na ‘yun na hindi pa nagtatapos.

“Sabi ko, ‘Chill lang kayo. Baka mamaya maunahan n’yo pa ako. So ito tatapusin ko ‘to.’ And in two years’ time, nagawa ko naman siya through the open education type of system in West Negros University in Bacolod. So, I flew to Bacolod once a month for two years for this course,” kuwento pa ni Dong.

Dagdag pa niya, “Bukod sa pangako ko sa mga magulang ko, it was a personal. Of course, I promised to myself and at the same time I wanted to set a good example sa aking mga kapatid.

“Kasi isipin mo ‘yun ‘yung pinakahinihiling na lang ng mga magulang ko sa kanila bukod sa pagiging mabuting tao dapat, ‘di ba, ‘Makapagtapos kayo kasi ito ‘yung makatutulong sa inyo, sa inyong paglaki,’” sey pa ng Kapuso Primetime King.

Read more...