Kilalang aktor tinanggihang makasama sa pelikula ang magaling na komedyana

SAYANG naman at tinanggihan ng kilalang aktor ang project kung saan makakasama sana niya ang isang komedyana bilang launching movie nito.

Puring-puri pa naman ng komedyana ang nasabing aktor dahil kaibigan nito ang girlfriend niya na super bait at marunong makisama sa lahat ng tao.

Asang-asa na kasi ang buong production kay kilalang aktor dahil ang mismong talent management na niya ang pumayag sa nasabing project.

Nangako pa nga silang tutulong sa promo ng pelikula dahil gusto nila ang kuwento bukod pa sa magandang venue rin sana ito sa aktor para mag-give back dahil nu’ng baguhan siya ay marami ring sikat na artistang tumulong sa kanyang career.

Nang sinabing hindi type ng aktor ang project ay nalungkot ang lahat pero inintindi na lamang nila ito na baka hindi nito type ang kuwento o konsepto ng pelikula.

At baka dahil hindi niya kasi pelikula ito kundi peikula ng kaibigan ng dyowa niya kaya ayaw niyang suportahan.

Sayang sa panahon ng pandemya sana nagtutulungan din ang mga artista sa isa’t isa kasama na ang production na walang regular na income ngayon.

Tiyak na makararating sa girlfriend ng aktor ang pagtanggi nito sa launching movie ng kaibigan niya, pero tiyak na wala rin namang magagawa ang girl dahil pagdating sa trabaho ay wala silang pakialamanan.

Wish naming sumikat ang komedyana para makatulong din siya sa mga baguhan at nangangailangan.

Read more...