Kyle Echarri nabiktima na rin ng scammer sa socmed

KUNG hindi pa nagkaroon ng COVID-19 pandemic ay hindi magiging aktibo si Kyle Echarri sa social media dahil sa pamamagitan nito ay nakakausap at nakukumusta niya ang mga taong malayo sa kanya kasama na ang kanyang supporters.

Sa ginanap na vitual mediacon ng digital series na “Click, Like, Share” ay ibinahagi ni Kyle ang pros and cons para sa kanya ng social media.

“Nu’ng nag-start kasi ‘yung pandemya wala na tayong mga mall show, wala ng mga concert. Hindi na natin nakikita ‘yung mga fans na talagang sumusuporta sa amin, so, I guess it’s just a way of reconnecting sa mga tao.

“Kaya social media can be used in so many good ways and so many bad ways at the same time. It’s up to you want to handle it and how you want to portray yourself on the internet.

“Pero ako, I’ve been scammed before so when it comes to clicking I’m very cautious. In this day and age kasi, sa lahat ng mga tao ngayon, sa mga namba-bash, hinahanap nila kung ano puwede i-bash sa iyo.

“So tipong magla-like ako ng isang picture na hindi nila gusto, ipo-post nila tapos magagalit so I’m very cautious what I like. When it comes to sharing naman, I just share stuff that I believe. And I make sure that it is right before I share it,” kuwento ng binata.

Gagampanan ni Kyle ang karakter na Brenan sa episode na “Reroute” at masyadong dependent sa technology at sa totoong buhay ay aminadong hindi rin nawawala sa tabi niya ang cellphone noong bata-bata pa siya.

Aniya, “Si Brennan ay isang med student na sobrang dependent on an app called Arya. I can’t say everything that happens pero ang pinaka matututunan niyo dito sa episode na ‘to is you really can’t replace human connection with internet connection at the end of the day. Abangan niyo po.

“Before I got older, lagi akong dependent sa device ko. Kahit saan ako pumunta kailangan ko ‘yung phone ko, I always need it.

“I needed to know what was happening sa social media until I got older and I started learning that you don’t need to know everything that’s happening as long as you’re taking care of yourself and you’re aware of the things you need to know, ‘yun ‘yung mahalaga.

“Pero sometimes you become too dependent on your devices and that could be really bad. So never be too dependent on anything, not just social media but any device or a person. Only be dependent on yourself,” aniya pa.

Ang payo ng aktor sa mahihilig sa social media, “The internet is a beautiful thing. It works in so many different ways kasi it’s a way for us to connect to family, to friends, to make friends, but at the end of the day it’s a way for us to make enemies.

“So many different rumors can be made about you just because of the things that other people say. Dapat pahalagahan mo yung sarili mo. Don’t be affected by the things you see on the internet. Don’t let the internet control your life. Maging masaya ka lang. Use the internet wisely,” dagdag ng binatilyo.

Anyway, makakasama rin sa “Click, Like, Share” ang The Squad Plus members na sina Danica Ontengco, Renshi de Guzman, Jimuel Pacquiao at Nio Tria sa kanilang acting debut na idinirek ni Emmanuel Q. Palo at produksyon ng iWantTFC at ABS-CBN Entertainment at Dreamscape Entertainment.

Abangan ang unang episode ng “Click, Like, Share” sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV ngayong Hunyo 5, at malapit na sa Upstream.
Samantala, iniimbitahan din ni Kyle ang lahat sa kanyang digital birthday fan con sa June 20, 7 p.m..

“ARE ALL INVITED. As my way of saying thank you for being a big part of my journey, six years in the industry, I am holding this virtual concert for everyone.

“And as I turn 18, celebrate with me and allow me to serenade you with songs from my upcoming album. I am excited to share this milestone with all of you.

“Join me on Sunday, June 20, 7 pm , LIVE on my Kumu channel, echarripapi!  #PartyWithKyle https://app.kumu.ph/echarripapi.”

Read more...