Rabiya gagawa ng horror movie; super crush si Kobe Paras

KAYA pala nabanggit ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na gusto niyang mag-showbiz ay dahil may offer na pala sa kanya at ang una niyang magiging project ay horror daw.

Ito ang nabanggit ng dalaga sa ginanap na exclusive meet and greet kanina para sa kanyang supporters  sponsored by Olivia Quido-Co ng OSkin and MedSpa sa Cerritos Mall, Los Angeles, USA.

“What’s next to you after this Miss U?” tanong ni Ms. O sa Filipina beauty queen.

“I have a lot of things to do, but I might go into acting,” masayang sabi ni Rabiya.

Sa tanong na, “When did you realize na acting pala ang gusto mo?” ito ang sagot ni Rabiya, “Kasi Ms. O, I started during high school I do declamation, I write my own script and it’s one of my talent. So ngayon there’s an opportunity in acting, I will try.”

Tinanong siya kung anong genre ang gagawin niya — romantic-comedy, drama o action, “Horror kasi it’s challenging kasi, it’s very difficult to scare people so I’m offered that kind of genre.”

Pawang mga sikat na artista ang gustong makatrabaho ni Rabiya sa pagpasok niya sa larangan ng pag-arte, “Ay marami, like Maricel Soriano, ‘yung mga nasa haligi na talaga ng pelikulang Pilipino, Dingdong Dantes, Ate Vi (Congw. Vilma Santos-Recto). Mangangarap din lang ako, e, di tinaasan ko na. Ha-hahaha!”

Basketbolista naman ang celebrity crush ni Rabiya, “Ang nakakatawa kasi I know nothing about basketball pero nanood talaga ako ng UAAP para makita siya. Si Kobe Paras (naglaro sa UP). Kahit hindi ko na alam ang nangyayari hinanap ko talaga, asan si number 6?” tumatawang sabi pa ni Miss Philippines.

Samantala, mukhang matatagalan pa pala bago makabalik ng Pilipinas si Rabiya dahil marami pa siyang dadaluhang meet and greet sa iba’t ibang state sa US tulad ng New Jersey, Virginia, New York City at iba pa. Ang ibang dumalo sa ginanap na meet and greet ay nag-long drive pa galing ng Las Vegas Nevada.

Read more...