2 anak ni Kris OK na matapos magkatampuhan: Nakuha sa dasal, pasensya at pagmamahal

NAGKAROON pala ng tampuhan ang mga anak ni Kris Aquino na sina Joshua at Bimby.

Nagkuwento ang Queen of All Media tungkol dito sa pamamagitan ng bago niyang post sa Instagram kalakip ang litrato kung saan makikitang magkayakap ang magkapatid.

Ani Kris, mahaba-haba rin ang itinagal ng hindi pagkakaunawaan ng dalawa niyang anak ngunit hindi na siya nagbigay ng karagadgang detalye hinggil dito.

Pero sey ng TV host-actress, okay na raw uli ang magkuya at ramdam niya ito sa higpit ng kanilang yakapan nang muling magkita makalipas ang mahaba-habang panahon.

Narito ang kabuuan ng caption ni Kris sa kanyang IG post: “Namili na si kuya josh, gusto na nya talagang tumira sa Alto (our family compound) in what he calls ‘lola’s house’, in Tarlac… malapit na ang birthday ng panganay ko (June 4), through my cousin, ate @celdasan we reached out to Gov Susan Yap.

“Nag prepare kami ng 800 grocery bags that kuya josh will turn over to Gov Susan to share w/ families she feels will benefit most from his birthday outreach,” pagbabahagi ng celebrity mommy.

Pagpapatuloy pa niya, “The 3 of us said our goodbyes yesterday afternoon… Pabalik na kami ni Bimb to our serviced residence while the condo we’ll be leasing is being readied.”

Kasunod nito, inamin nga ni Kris ang nangyari sa kanyang mga anak, “We are not a perfect family, nagka mahabang tampuhan yung 2 boys BUT nakuha talaga sa dasal, pasensya, at pagmamahal- finally kahapon naramdaman kong nabalik na yung dating higpit ng yakapan at kulitan/lambingan nung dalawa.

“I can share that story because it’s about my sons & me… my family is not just limited to my 2 boys, alam nyo how important my sisters & brother are to me, BUT they value their privacy and i totally respect that i can share my life but not our lives.

“In time i hope i can tell you more because you deserve to know why i have so much more to learn & do to be worthy not only of being the daughter of my parents BUT to earn the privilege of being ‘bunso’, (tawag nya sa kin fondly or pag umiiling na lang) of the most humble, trustworthy, capable, dignified, and morally upright man i am so blessed to have as my brother.

“Uunahan ko na- bago lagyan ng kulay pulitika at mag wild na naman ang trolls- i am writing this because of LOVE.

“Kailan ba naging masama mahalin ang mga anak at kapatid mo? Sa dami ng toxic na negativity ngayon hindi masama na mag share ako na bilang pamilya, BUO, may respeto, at nagmamahalan kami,” lahad pa ng award-winning TV host.

Sa huli, ipinagdiinan muli ni Tetay na wala siyang balak tumakbo sa susunod na eleksyon, “I have said repeatedly- i am not interested in politics now. BUT it is my right to protect our family’s name & honor.

“Sabi nga ni Avril Lavigne from her song WARRIOR: i pick my battles because i know i’m gonna win the war,” pahayag pa ni Kris.

Read more...