MARAMING dapat abangan ang viewers sa bagong format ng award-winning drama anthology na “Dear Uge” ngayong Linggo (May 30).
Bukod sa all-new episodes at exciting lineup ng celebrity guests, isa rin sa ibibida ng show ang bagong paraan ng pagkukuwento ng Kapuso comedienne na si Eugene Domingo.
Sa bagong format ay tuluyan nang mawawala ang tindahan ni Uge at sa halip ay may iinterbyuhin na siyang resource person.
Ani Eugene, “Ang nakaka-excite naman sa akin dito bilang artista ay meron akong resource person but let’s not take our guest seriously, ha.
Comeding-comedy tayo rito kasi dito naman… kung sa dating kuwentuwaan, I play different characters sa cameo roles.
“Dito naman sa ating bagong format ay I play different characters as the resource person na ini-interview ni Dear Uge,” sey pa ng komedyana.
Sa kabila ng mga pagbabago sa show, patuloy pa rin ang “Dear Uge” sa pagpapalabas ng mga nakakaaliw na kuwento na kapupulutan ng aral.
“But definitely, the stories are funnier and the format is funnier. Lahat naman nito gusto namin dahil nakaka-entertain.
“Yun talaga ‘yung gusto namin, matuwa ang loyal viewers at ma-entertain. We’re still here to make you all very happy every Sunday,” dagdag pa ng aktres.
‘Wag palagpasin ang fresh episode ng “Dear Uge” ngayong Linggo, 3:35 p.m., sa GMA 7.
* * *
Kilalang-kilala na ngayon bilang ang nakakaaliw na si Mars sa GMA primetime series na “Heartful Cafe” ang Kapuso actress na si Ayra Mariano.
Sa nakaraang episode, napanood kung paano siya nasaktan at nagpaubaya para sa bida at kaibigang si Heart na ginagampanan naman ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose.
Kuwento ni Ayra, hindi lang daw on-screen ang naging closeness ng cast sa nasabing serye kundi pati na rin sa totoong buhay.
Nang tanungin siya kung ano ang pinakanami-miss niya sa set ng “Heartful Cafe,” sinariwa ni Ayra ang kanilang masasayang memories sa lock-in taping.
“Ang nami-miss ko ‘yung company nila, kasi siyempre araw-araw magkakasama kami doon for two weeks. Nami-miss ko sila mismo, everyone sa Heartful Cafe, hindi lang ‘yung mga artists pati ‘yung production team, ‘yung bond talaga na nabuo.
“Kwentuhan, ‘yung mga tawanan na talagang masasabi ko na hindi kami nagtrabaho lang, ‘yung work namin doon, fun siya, ‘pag magkakasama kami, masaya lang talaga, sana nakita rin ‘yun ng viewers namin,” chika pa ng dalaga.
Patuloy na napapanood ang “Heartful Cafe” gabi-gabi pagkatapos ng “First Yaya,” sa GMA Telebabad pa rin.