Alwyn Uytingco nangungulila na sa 2 anak: Miss you, I love you…

SA kauna-unahang pagkakataon matapos mapabalita na hiwalay na sila ni Jennica Garcia, naglabas ng saloobin si Alwyn Uytingco tungkol sa kanilang mga anak.

Ibinahagi ng aktor sa madlang pipol ang nararamdamang matinding pangungulila sa dalawang anak nila ni Jennica.

Sa kanyang social media account,ipinost ng aktor ang dalawang video kung saan mapapanood ang ilang mga ganap sa buhay ng dalawang anak na babae na sina Athena Mori at Alexis Severina.

“My future ballerina. Miss you soooo much, My Mori-chan. I love you anak,” ang sabi ni Alwyn sa caption ng video ng kanyang panganay na anak.

Mensahe naman ng nangungulilang tatay sa bunso nila ni Jennica, “Ang aking future mountain ranger. Mahal na mahal kita Alessi. Miss you anak!”

Kamakailan, nag-post si Jennica sa Instagram ng tungkol sa pagbebenta ng mga kagamitan niya sa kanilang bahay dahil ayaw na niyang dalhin ang mga ito sa lilipatan nila ng kanyang mga anak.

“Marami po ito, gawa nang ayoko na po sana dalhin pa sa lilipatan namin na unit ng mga bata. Start fresh, ika nga,” sey ng aktres.

Kamakailan lang ay nagsalita uli si Jennica hinggil sa tsismis na hiniwalayan daw niya si Alwyn dahil sa pagiging pabaya at responsableng asawa at tatay nito. Ipinagtanggol ng aktres si Alwyn laban sa mga tsismosa.

Hindi raw totoo na pera ang dahilan ng lahat, “Financial problem is not the reason. Our savings was never an issue.

“Going back and pursuing my career as an actress is simply the wise thing for me to do in this season in my life. I will never say anything bad about the father of my children.

“If you see an article with me putting Alwyn in a bad light, please make sure it was published by a reputable source before you believe.

“The good things that I said about how I honor Alwyn up to this day because he was never materialistic, hardworking and a good provider was not included in the reposted articles.

“I will try my best to gear away from questions pertaining to Alwyn from this day forward to protect what my children will be able to read in the future,” mahabang paliwanag ng aktres.

Kung matatandaan, ikinasal ang dating celebrity couple noong Pebrero, 2014 at biniyayaan nga ng dalawang anak.

Read more...