Yassi huhusgahan na bilang game show host; pahinga muna sa aktingan

 

KINAKARIR ngayon ng dating leading lady ni Coco Martin sa teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Yassi Pressman ang pagiging TV host.

Huhusgahan na ang dalaga sa susunod na buwan bilang host ng pinakabagong game show ng TV5, ang “Rolling In It Philippines” produced by Cignal TV at Viva Entertainment.

Pagkatapos ngang mapasabak sa matinding aksyon at dramahan  nang ilang taon sa “Probinsyano”, magpapasabog naman ng saya at sorpresa si Yassi sa Pinoy version ng number one game show ng United Kingdom noong 2020.

Ayon kay Yassi, talagang pinag-aralan niya nang bonggang-bongga ang programa bilang bahagi ng ginawa niyang paghahanda bilang game show host.

“Talagang binabasa ko po nang binabasa ang script, hindi rin naman malayo doon sa pinanggalingan ko (pagbibida sa teleserye),” pahayag ng dalaga sa ginanap na virtual presscon ng TV5 para sa bago nilang game show.

Dagdag pang chika ni Yassi, “Isa pang kailangan ko ring pag-aralan, dapat ay alam na alam ko yung mechanics ng game kasi kapag alam mo na yung mechanics susundan mo na lang yon tapos kung anumang mangyari, kung anong kuwento ang lumabas, okey lang basta hindi ka mawawala.

“You can bring yourself to their stories, or sa kalokohan o kung anumang maganap, pero kailangan talagang iniisip yung mechanics kahit pa anong mangyari,” sey pa ni Yassi na inaming bagong challenge na naman sa kanya ito.

Kuwento pa ni Yassi, ang “Rolling In It Philippines” ay isang “game of luck, mind, and strategy”. It is a luck-based game show and contestants can be twice luckier as they are given a chance to play with a celebrity partner to help them through the rounds kung saan maaari silang manalo ng hanggang P2 million.

“The teams will test their luck through the roll of a coin on a giant arcade machine and will compete through a series of questions and choices together.

“They can opt to play to roll again and answer another question, increasing their chances to earn, or to PASS the opportunity to a different pair, especially when the risk of losing their earnings is at stake. The pair who earns the most money after 9 questions advances to the Jackpot Round.

“Only those who think quickly, strategize willfully, and have lady luck on their side will go home as the winner in this game show,” ang paliwanag pa ng dalaga sa mechanics ng show.

Magsisimula na ang “Rolling In It Philippines” sa June 5, 7 p.m. sa TV5. Catch-up episodes will also air on Sari Sari every Sunday, 8 p.m., starting June 6, available on Cignal TV CH. 3 and SatLite CH. 30.

Read more...