Showbiz couple napilitan nang magbenta ng mga gamit dahil sa pandemya

MAY naichika ang isa naming kaibigan na nakabili ng gamit mula sa isang female celebrity.

Talagang nakikiusap ito na hanapan pa siya ng buyer ng mga branded niyang bags at jewelry items dahil sobrang kapos na siya para sa pang-araw-araw nilang gastusin kasama na ang mga babayarang bills.

“Actually medyo mahal pa rin ‘yung mga ibinebenta niyang bags pero mura na ‘yun sa actual na presyo saka mint condition pa as in parang isa o dalawang beses lang yata ginamit kaya hindi ka na rin lugi.

“Walang-wala kasi ngayon si ____ (pangalan ng aktres), ilang years na rin siyang walang work bago pa nag-pandemic tapos may anak pa siya na kailangang buhayin.

“’Yung partner naman niya (aktor) wala ring projects now kaya hayun naghahalukay din ng mga gamit na ibebenta niya,” kuwento ng kaibigan namin.

Nahihiya naman daw lumapit ang aktres sa pamilya niya dahil pareho  niya ay nangangailangan din daw ang mga ito.

Wala namang binanggit sa amin kung may mga kaibigan ang aktres na tumutulong sa kanila ng aktor, “Pareho kasi silang mahiyain or hindi mahilig mang-istorbo ng ibang tao,” say sa amin.

Nasa ibang bansa ang magulang ng aktor, pero dahil apektado rin sa pandemic bukod pa sa may edad na rin ang mama nito ay hindi rin nito magawang humingi ng tulong.

“Nakakaawa kasi nagrerenta lang sila ng maliit na unit pero mahal pa rin kasi maganda ang location nila,” sabi pa ng aming source.

Actually, hindi namin masyadong kilala ang aktres, pero mahusay siya dahil nagsimula siya sa mga indie films.

Ang aktor naman ay mabuting tao rin at magaling umarte, sana lang mabigyan siya ng project ngayon sa rami ng binubuong bagong teleserye, sana maalala siya ng mga producer at direktor.

Read more...