Angelica ‘bugbog-sarado’ sa netizens matapos banatan ang Red Cross; pinagso-sorry ng doktora

SUNOG na sunog sa mga netizens ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban matapos banatan ang Red Cross Subic sa Olongapo.

Kaliwa’t kanang batikos ang inabot ni Angelica nang mag-post sa kanyang Twitter account tungkol sa umano’y palakasan na nangyayari sa Red Cross Subic, partikular na sa isinasagawang swab test doon.

Sabi ng dalaga, inuna pa raw kasi ang ibang tao na ma-swab test kesa sa kanyang kasama, “Hello redcross subic!! Isang oras na kami sa dito sa parking area niyo.

“Nakaalis na din mga nakasabay namin. At inuna niyo pa yung ibang bagong dating. Okay lang naman kung palakasan. Tweet ko na lang,” ang tweet ni Angelica.

Sinundan pa niya ito ng, “Taray ng red cross dito sa subic. D sila namamansin.”

Ikinuwento rin ng aktres ang kanyang pagkadismaya nang  huli siyang magpa-swab test sa Red Cross, “Nu’ng huling beses ako nag pa swab sa red cross, muntik akong mabaliw. Nag padala sila ng email na positive ako sa covid.

“Pero yung attachment result, negative ako. Ginawa nila yun sa buong olongapo guys. nag sorry naman sila after 12 hours,” pahayag pa ng dalaga.

Sunud-sunod ang negatibong reaksyon ng mga netizens laban kay Angelica, at halos lahat sila ay nagsasabing wala siyang karapatang magreklamo dahil lahat naman ay nakararanas ng hirap sa paghihintay para ma-swab test.

Pumalag din ang isang staff ng Red Cross Subic at sinabing walang katotohanan ang mga akusasyon sa kanila ni Angelica. Ni-repost ng Subic Red Cross medtech na si John Daniel Isabelo ang tweet ni Angelica at nilinaw ang issue.

Bwelta niya sa aktres, “Sana po di ka na lang nag-tweet na parang ang lalabas na masama eh kami. You need to take into consideration what’s really happening inside the swabbing facility.

“Naging lenient naman po kami sa inyo na kahit hindi kayo naka-sched ngayon, siningit pa rin kayo. Paano naman po yung mga nauna sa inyo at nakapila sa tent sa gitna ng init ng araw? Please be considerate.

“Opo mahal po ang swab fee pero di ibig sabihin nun na pwede niyo na kami ganituhin.”

Nagkomento rin siya sa Facebook page ng Olongapo SubicBay Batang Gapo News Center kung saan ni-repost din ang Twitter message ni Angelica.

“Wala naman po sa parking area ang Verification Window namin. Sana try din po nila pumila kagaya ng mga normal na tao since pare-parehas lang naman sila ng ibinayad.

“Ni hindi nga po sila bumaba (ng sasakyan) para magpa-verify. Kami pa ang lumapit sa kanila sa sasakyan.

“Anyways, salamat Ms. Angelica dahil na-aappreciate mo ang pagod naming mga frontliners. Next time time na magpa-swab ka, 12 midnight papasok na kami para antayin ka.

“Ay sorry, di pala ikaw ang magpapa-swab, yung kasama mo pero ikaw yung galit na galit,” sabi pa ng staff ng Red Cross Subic.

Samantala, nag-react din ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap sa reklamo ni Angelica. Taga-Olongapo din kasi si Direk kaya medyo apektado siya sa issue.

Sa kanyang Facebook account, naglabas ng saloobin ang direktor, “Sa totoo lang, nalungkot ako. Ako, na isang Batang Gapo, pag nagpapa-swab sa Red Cross Subic, pinipilit kong tiisin yung init sa waiting tent nyo, sa sobrang init hindi na ko kumakain ng Andoks dahil alam ko na pakiramdam ng mga manok nila.

“Tapos may mababalitaan akong pwede naman palang magpasundot sa car; or sa artista lang pwede? Pag direktor kaya pwede sa motor?

“Kahit nanay-nanayan ko ang head ng SBMA—lagi akong sinasabihan ng SBMA Chairperson/Administrator Abe Connor, ‘Bakit anak? bakit ka uunahin? Sino ka ba? Lahat dapat sumusunod sa dapat! PUMILA KA! SUMUNOD KA!

“Alam mong ayaw ko ng ganyan. Di bale nang mainitan, ‘wag lang may malamangang tao! at dahil nga close tayo—MAS LALO KA DAPAT SUMUNOD, as a sign of your respect to me.’

“Momma, ayan ha. dapat sa car na ko swab next time. charot.”

Sa huling bahagi ng kanyang post, nilinaw ng direktor ang kanyang pinanggagalingan sa issue, “This post is actually an expression of disappointment sa Red Cross, dahil pwede naman pala sa car; hindi naman ako pwedeng madisappoint kay Angelica kasi desisyon naman ng RedCross Subic na iswab sya sa car.”

Ibinahagi rin ni Direk Darryl sa FB ang screenshot ng pahayag ng isang doktor na may Twitter handle na Dra. G. Diretsahan nitong sinabihan si Angelica na mag-sorry sa Red Cross Subic.

“You should make a public apology to all the staff of Red Cross Subic! You have no appointment, siningit ka lang.

“Pinuntahan pa kayo sa car to do the swab while yung iba, may appointment ay nakapila sa tent or nasa ambulance. Siniraan mo pa talaga yung mga taong tumulong sa iyo,” sabi ng doktora.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang sagot si Angelica. Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng aktres at ng Red Cross Subic para sa ikalilinaw ng kontrobersiya.

Read more...