Ruby Rodriguez sa US na magtatrabaho; bakit nga kaya nawala sa Eat Bulaga?

 

KINUMPIRMA ng “Eat Bulaga” Dabarkads na si Ruby Rodriguez na sa Amerika na siya nagtatrabaho ngayon.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa mga loyal viewers ng longest-running noontime show sa bansa ang pagkawala ni Ruby sa programa. Hindi na kasi siya napanood sa show mula noong magkapandemya.

Kaya naman maraming nagulat nang makita nila ang Instagram post ng TV host-comedienne tungkol sa bago nitong trabaho sa Los Angeles, California.

“First day of new normal for moi.  #workinggirl #subwayislife,” ang maikling caption ni Ruby sa ibinagahi niyang selfe photo sa kanyang IG followers.

Mababasa sa location na nasa ilalim ng profile photo ni Ruby ang Philippine Consulate General sa Los Angeles, California na posibleng lugar ng pinagtatrabahuan ng komedyana.

Sa panayam ng GMA sa komedyana, sinabi nito na kailangan na raw niyang magtrabaho para sa anak na si Don AJ, na may health condition na dyslexia.

Wala nang iba pang detalye na ibinigay si Ruby tungkol sa bago niyang trabaho at kung bakit hindi na siya bumalik pa sa “Eat Bulaga”. Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit iniwan na niya ang noontime show.

Halos dalawang dekadang naging co-host ng “Eat Bulaga” si Ruby kaya naman nalulungkot ang ilang Dabarkads sa pagkawala niya sa Kapuso noontime show.

Samantala, marami namang bumati at nagpahayag ng suporta sa bagong journey ni Ruby sa Amerika, kabilang na riyan ang mga kaibigan niyang celebrities.

Kabilang sa mga nagkomento sa post ni Ruby ay ang kasamahan sa “Eat Bulaga” na si Pauleen Luna, ang dating sexy actress na si Krista Ranilo at ang dating GMA news anchor at TV host na si Rhea Santos.

Kung matatandaan, isang netizen ang sinagot noon ni Ruby noong September, 2020, na nagkomento ng, “I miss you in Eat Bulaga Ms. Rubs. Babalik ka pa ba? Sina Pia, Ryan, Allan K, Ryzza Mae nakaka pitch in pero ikaw wala! Bat Ganon?”

Ang maikli ngunit makahulugang reply ng TV host at komedyana ay, “Sila tanungin mo.”

Read more...