Beking direktor nakaiskor sa 2 young actor kapalit ng bagong project

BUKELYA (read: buking) ang isang beking direktor na balitang nagkainteres sa dalawang baguhang aktor na palaban sa hubaran.

Tanong ng aming source, ano ba ang kailangan para mapasama ang isang baguhang artista sa isang pelikula — magaling umarte? May koneksyon? O bet ng direktor?

Kitang-kita kasi ng isa naming source na kasama ng isang beking direktor ang dalawang young actor sa isang out-of-town trip. Aniya, kakaiba ang ngiti sa face ni direk.

Mukhang bet na bet nga ng direktor ang dalawang binata na umaastang mga sikat na pero wala pa namang napatutunayan. Ano nga kaya ang kanilang ginawa para matipuhan sila ni direk?

Mukhang nag-work kasi ang pagpapakita nila ng katawan dahil nabigyan agad sila ng projects. Ang nakakaloka, hindi naman daw mahusay umarte ang mga ito.

Sabi nga ng aming kausap, ang hirap hanapan ng hugot ang dalawang aktor kapag nasa harap na ng mga camera.

May bagong pelikulang ibinigay sa mga ito na ikinaloka ng source namin dahil akala raw niya ay “screened” o dumaan sa audition ang isasama sa pelikulang ‘yun ngunit pinalusot at binitbit ni direk ang kanyang mga “alaga.”

Marami kayang manood ng kanilang bagong pelikula? Tagilid kasi sa social media ang mga binata. Laman kasi noon pa ng blind items ang isa sa kanila. Marami rin kasing nayayabangan sa kanya.

At mismong ang source ang nagkwento kung paano niya pinagtaasan ng kilay ang mga kasabayan niya dahil feeling nga niya ay mas sikat siya.

Kahit anong gawin niyang pagmamalinis ay hinahabol talaga siya ng intriga at batikos. Pero sure ang source na kung magpapakabait lang ang binata ay mamahalin din siya ng publiko.

Itong isa naman ay may “kalandian” din. Alam na alam niya ang galawan. At nahahawa na rin siya ng kayabangan sa kasamahan niyang aktor.

Ano sa tingin n’yo, nagalingan kaya ang direktor sa performance ng dalawa? Ang tanong, ano’ng klaseng performance kaya ang ginawa ng mga aktor na tinutukoy ng aming source?

Read more...