TV Patrol reporter tinanggap ang hamon para sa 2021 Miss World PH

ISA sa mga kandidata sa gaganaping Miss World Philippines ngayong taon ang ABS-CBN reporter na si Ganiel Krishnan (number 39).

Dati na siyang nanalo bilang Mutya ng Asia Pacific International noong 2016 at 2nd runner-up sa Miss Asia Pacific International na ginanap sa Puerto Princesa City sa parehong taon. Naging Miss Manila rin siya nu’ng taon ding iyon.

Base sa video na ipinost ni Ganiel sa kanyang Instagram account kung saan ipinakikilala niya ang sarili bilang representante ng Kawit, Cavite, apat silang magkakapatid na pawang mga babae sa inang Filipina at amang Indian.

Nabanggit din ng dalaga na nagsimula na siyang umarte sa TV noong kabataan niya at nagtapos ng kursong Mass Communications sa Far Eastern University.

Naging courtside reporter din siya hanggang sa nakapasok na siya ng ABS-CBN bilang TV reporter at radio anchor-host.

Ang caption ng dalaga sa kanyang video post, “It’s official! Feeling all sorts of emotions as I embark on an exciting journey towards @msworldphil!

“Incredibly overwhelmed with the outpour of support, well wishes and messages. Took a big leap of faith to be here today and I cannot thank enough all the people who are with me throughout this journey,” sabi pa ni Ganiel.

Base naman sa panayam ni Dyan Castillejo sa dalaga para sa “TV Patrol”, “I’ve always been telling people that I really love my job as a journalist.”

Pero siyempre gusto rin niyang maging beauty queen kaya hindi na niya pinalampas ang Miss World pageant na habang pasok pa ang edad niya ay bakit hindi nga naman niya subukan.

Sabi pa ng dalaga, “It’s Miss World Philippines or nothing. In the end, we only regret the chances we didn’t take.”

Samantala, magkasabay pala sa Hulyo 11 ang coronation night ng Miss World Philippines 2021 na pinamumunuan ni Arnold Vegafria at ang Binibining Pilipinas beauty pageant.

Saan kaya gaganapin ang Miss World Philippines dahil tiyak na sa Araneta Coliseum gagawin ang Binibining Pilipinas.

Read more...