Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today

KAARAWAN ngayon ng singer-actor na si Sam Milby pero hindi niya kasama ang kanyang girlfriend na si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Nasa Australia pa rin kasi ang beauty queen kapiling ang mga magulang na hindi niya nakita at nakasama sa loob ng isang taon at kalahati dahil sa COVID-19 pandemic.

Nag-post si Catriona ng larawang nakayakap siya kay Sam sa kanyang Instagram account kaninang umaga.

Ang caption na inilagay ni Cat, “Happy Birthday my love @samuelmilby! So sad I can’t be with you today to celebrate (even though you hate birthdays) but I’m so thankful I get to do life with you. ILYSM.”

Umabot sa 343,000 ang nag-likes at mahigit 2.5k naman ang nagpahayag ng pagmamahal kina Sam at Catriona mula sa mga kanilang mga kaibigan at followers sa social media.

Alam ni Sam na hindi niya makakasama si Catriona ngayong kaarawan niya dahil nga matatagalan pa bago ito makabalik ng bansa at sinadya rin niyang hindi rin sumama para masolo ng dalaga ang panahong kasama nito ang magulang niya.

At base sa mga larawang ipinost ng dalaga ay mukha namang enjoy na enjoy siya sa mga lakad nilang pamilya, nag-post pa siya na kasama ang Mommy Mita Gray niya na tinawag niyang, “with my bestie.”

Samantala, excited si Catriona dahil mapapakinggan na ang awiting “Raise Your Flag” na aniya’y personal anthem niya dahil ito ang tugtog nu’ng kandidata palang siya sa 67th Miss Universe.

Ang caption nito sa video post, “I’m so proud to finally be releasing #RYF – a song and personal anthem of mine. The message of this song has always meant more than raising our country’s flag on a universal stage – it’s about feeling that your dreams are VALID, that your voice MATTERS and that life is best lived when it’s lived for OTHERS.

“#RYF, For the ones who think they can’t get somewhere. For the ones who think no one believes in them. For the ones who feel like giving up.

“Streaming on all music platforms 05.28.21. @starmusicph, @csmusic.ph,” aniya pa sa caption.

Read more...