Sa nakaraang virtual mediacon ng digital series na “Click, Like, Share” ay natanong ang apat na miyembro ng Gold Squad na sina Kyle Echarri, Francine Diaz, Seth Fedelin at Andrea Brillantes kung ano ang gusto nilang pag-usapan sa social media sa karakter nila as Brennan, Karen, Cocoy, at Beth.
“I want to tackle on how and why social media causes depression. Kasi a lot of people especially nowadays kahit hindi sila depress ay nakikita nila ang mga taong depressed sa internet feeling nila depress sila. The more they tell themselves na nade-depress sila the more depress they become.
“May mga times na ganu’n, ang daming nade-depress kasi ‘yung kaibigan niya merong ganito, siya wala, ‘yung artista na gusto niya merong ganito siya wala. Mga tipong hindi naman kailangan talaga.
“Sometimes social media can be use in a very good good way or in a very bad way and a lot of people has been using it in a very bad way which causes depression thru to other people in the internet,”paliwanag ni Kyle as Brennan.
Say naman ni Francine bilang si Karen, “Kung ako siguro ang mag-iisip sa buong story gusto ko ‘yung magibibigay ng awareness sa mga namba-body shame sa social media kasi meron akong mga nakikita na confident naman sila sa mga katawan nila, sa sarili nila pero ‘yung comment ng mga tao na sinasabi nilang, ‘ang pangit naman, magpapayat ka’ which is hindi tama.
“And gusto ko kung magkakaroon ako ng episode ulit na ganito gusto kong magbigay ng awareness sa mga tao lalo na ‘yung mga haters sa social media na hindi tama ang mang body shame at hindi rin tama na ikaw ang maging dahilan ng pagkawala ng confidence ng isang tao sa sarili nila.”
“Ako gusto kong ma-try kapag naulit ito, (sabi ni Seth sa karakter na Cocoy), siguro gusto kong maging mayaman. Ngayon kasi kapag mayroon kang cellphone, digital ganyan-ganyan, gusto kong ipakita ‘yung (pagkakaiba) ng mayaman at mahirap. ‘Yung tipong mayaman kami tapos biglang naghirap tapos hindi ako makaka-adopt sa sistema na nawala na ‘yung yaman namin. Tapos mababaliw ako kasi wala akong PS ganito o ganyan, wala akong cellphone.”
At si Andrea sa karakter na Beth, “Gusto ko ay istorya ng mga artista na laging iniisip ang saya-saya namin and to spread awareness na huwag kayong basta-basta mag-comment ng masasamang salita dahil wala kayong alam sa totoong nangyayari (sa buhay nila). Hindi mo alam na ang mga sinasabi mo ay ang taong (artista) ito ay on the verge of giving up na.”
Magaganda ang mga naisip na plot ng Gold Squad huh, baka naman puwede silang pagbigyan ng Dreamscape Entertainment na ididirek ulit ni Manny Palo for iWantTFC at ABS-CBN.