Napanood na namin ang lyric video nito na idinirek ni Amiel Kirby Balagtas, sa official YouTube channel ng Star Music at talaga namang pinatunayan ni Morissette na may karapatan siyang mag-revive ng “Shine” para sa 25th anniversary ng kanta.
Sa mga hindi pa nakakaalam, ang “Shine” ay unang ini-record ni Ima Castro na kinanta naman nang ni Sweet Plantado sa 1996 Metropop Song Festival. Taong 2004 naman nang i-revive ito ni Regine Velasquez para sa isang TV commercial.
At ngayong 25 years na ang “Shine” naisipan ng composer nitong si Trina Belamide na makipag-collaborate sa Star Music through Jonathan Manalo na gumawa ng bagong version sa tulong ni Troy Laureta bilang musical arranger.
“Iba ‘yung arrangement na dala ng kanta. ‘Yung perfect na perfect siya for the anniversary, as in,” ani Morissette sa ginanap na digital mediacon para sa launching ng bagong “Shine” kahapon.
“Super perfect lang din na when I heard the arrangement na very grandiose siya na very orchestra, sabi ko ay swak siya roon sa parang gusto kong puntahan din na singing style.
“Kasi ‘yun nga I’ve been singing to a lot of gospel, a lot of R&B and soul. Tapos I also shared kay Kuya Jonathan na with this arragement, ‘di lang siya mag-a-appeal sa masa dito sa Philippines kung hindi sa nakkikig din all over the world.
“Kasi siyempre sobrang limitless na ang dala ng internet sa music ngayon. I think with this new version of ‘Shine’ ay parang more than giving it a new life, it’s also fresh listening na this is where OPM is also going,” pahayag pa ni Morissette.
Sabi naman ng original composer ng kantang pinasikat ni Regine na si Trina, “Ang galing ni Jonathan mag-alaga ng kanta. I was so happy. Sabi ko kay Jonathan, talagang tuwang-tuwa ako when we were done with the final mix and mastering.
“Pinakinggan ko, there’s not one part of this na hindi ako masaya. Kasi most of the time, as a producer myself, kapag mayroon ng final ano, kung hindi ako nakatutok 100%, there would be parts here and there na parang sige okay na ‘yan, palulusutin mo na. Pero ito, happy ako sa whole thing,” aniya pa.
Sey naman ni Jonathan, “Noong nag-uusap nga kami ni Trina when we were deciding kung sino ang best artist to interpret the 25th anniversary version, walang options. Kumbaga it should be Morissette.”
Samantala, inamin naman ni Trina ang isa sa mga dahilan kung bakit nais niyang magkaroon ng bagong version ang “Shine,” makalipas ang mahigit dalawang dekada mula nang unang i-release ang kanta.
“Sabi ko, gusto ko ng bagong version. Because my frustration had been, of course, I love Regine’s version and that is what made the song a hit, but that one was recorded for a commercial, so there were couple of words that were changed.
“And then, through the years sigruo alam mo ‘yun yung nagiging mali-mali ‘yung lyircs sa karaoke, mali-mali ‘yung kinakanta ng mga tao. Sabi ko, ‘Jonathan I want us to make a new version that will make an impact.
“‘Yung sana naman ay tama ‘yung lyrics. Tama ‘yung kakantahin ng mga tao.’ It’s a songwriter’s thing, parang pet peeve namin ‘yung mga ganyan. Jonathan had a point, sabi niya if you want to make an impact ano na lakihan mo na. Siyempre isang tao lang ang naisip namin, si Morissette na ‘yan,” lahad pa ng songwriter.
Ayon naman kay Jonathan, “Dliberate na magkaroon ng bagong flavor ‘yung ‘Shine’ na mas mapunta siy doon sa gospel na direction and mas maging on the soulful side, more than the expected predictable na birit treatment.
“Sinabi ni Morissette sa akin na, ‘Kuya, ayaw kong mapunta roon sa predictable na ibibirit ko lang nang ibibirit. Gusto ko mapunta sa soulful side, mas nandoon sa ‘yung gospel,” aniya pa.
“Shine’s” music video will be released on May 30 on Morissette’s YouTube channel. It will also be launched on television via “ASAP Natin ‘To” on the same day.