Ayon sa bagong Kapamilya actor, lumelebel din naman ang mga daddy sa mga mommy pagdating sa pagpapakita ng pagmamahal at pag-aalaga sa mga anak.
“I agree naman na momshie knows best but siyempre hindi rin pahuhuli ang mga popshie, hindi ba? Hindi rin papahuli,” ang pahayag ni Jake sa panayam ng “Magandang Buhay” kahapon.
In fairness, maayos na maayos na naman ang relasyon ni Jake sa kanyang anak na si Ellie at mukhang effective ang co-parenting agreement nila ng dating partner na si Andi Eigenmann para sa bata.
Sa isang bahagi ng Kapamilya morning show, napa-throwback si Jake noong panahong dumating si Ellie sa kanyang buhay. Kuwento ng anak ni dating Pangulong Joseph Estrada, nasa Singapore siya noon at nag-aaral nang isilang si Ellie.
“I was finishing my studies. Kaya memorable sa akin, hindi ko siya makita. I was stuck there; I had to finish my studies.
“So ‘yung longing to be with Ellie lagi kong nararamdaman nung time na ‘yon. So hindi ko alam kung nalulungkot ba ako, separation anxiety.
“I was only 21. Parang medyo bata but yeah it changed my life completely, talagang 180 degrees,” pahayag pa ni Jake.
Proud daddy naman ang aktor nang mapanood ang video greeting sa kanya ng anak kung saan nagpasalamat pa ang bagets sa kanya bilang tatay.
“Hi, Daddy! Thank you for everything and thank you for giving me things. I love you so much, bye,” sey ni Ellie.
Ito naman ang promise ni Jake para sa kanyang anak, “I just want her to know that she’s unique, she’s special in her own way. And that she’s capable of doing anything she wants in life.
“Nandito lang ako to support her. I’ll be rooting for her. She’ll always have me,” pahayag pa ng aktor na mapapanood na very soon sa upcoming Kapamilya series na “Marry Me, Marry You” kasama sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.