Cast members ng ‘He’s Into Her’ nabiktima rin ng pambu-bully

LAHAT ng cast members ng “He’s Into Her” series ay nakaranas ng pambu-bully at kung paano nila ito nalampasan ay ibinahagi nila sa ginanap na virtual “general assembly” kaninang hapon.

May konek ang tanong dahil tungkol sa bullying ang isa sa highlight ng kuwento ng “He’s Into Her” na streaming na sa May 28 sa iWantTFC at sa May 30 sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live via YouTube channel at FB page of ABS CBN Entertainment.

Ayon kay Vivoree Esclito, kung anu-anong pangalan daw ang tawag sa kanya noon, “A lot of names po talaga. Ever since nu’ng bata pa po ako, I’ve been bullied na kasi the way I look (makapal ang balahibo sa mukha).

“I looked different back then talaga and during PBB (Lucky 7 Teen Edition) pa at na-change na lang ‘yung look ko nu’ng si Big Brother gave me a chance to like transform myself.

Bumuntong-hininga muna ang dalaga bago nagsalita uli, “Maraming names, eh kind of personal at may mga iba na below the belt na at dinadamay nila ‘yung family ko.

“That’s the thing about bullying, eh, you have to rise above them and when you overcome everything na sinasabi nila sa ‘yo parang you just want to inspire others and kind like educate others about bullying.

“Kasi people think na they have power over you and parang they’re in control. Kaya need lang talaga nilang i-guide, but now I’m stronger,” kuwento ng aktres.

Malaki na ang ipinagbago ngayon ni Vivoree kumpara noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya at ang maganda ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa mga taong nam-bully sa kanya at ginawa niya itong challenge para ma-improve kung anumang mayroon siya ngayon.

Samantala, makakasama ni Vivoree sa “He’s Into Her” sina Donny Pangilinan, Jeremiah Lisbo, Kaori Oinuma, Rhys Eugenio, Joao Constancia, Criza Taa, Ashley del Mundo, Gello Marquez, Belle Mariano at iba pa mula sa direksyon ni Chad Vidanes.

Read more...