BINIGYAN ng matinding pagpupugay ni John Arcilla ang hero dog na si Kabang sa kanyang official social media account.
John recalled na kinailangan pa niyang magpunta sa Zamboaga para lang makita nang personal ang asong buwis-buhay sa pagsagip sa dalawang bata.
Narito ang kabuuang post ng aktor sa kanyang Instagram tungkol sa pagpanaw ni Kabang.
“PAALAM KABANG, RUN FREE NOW.
“Isang Pagsaludo, huling dampi sa pisngi, akap at PAALAM sa iyo KABANG, ang Hero Dog ng Zamboanga na Humaplos sa aking puso.
“Personal kong pinuntahan si Kabang sa Zamboanga noong 2012, dahil naantig ako sa kanyang kwento, kinikala siya sa mundo at tinulungan ng Amerika sa kanyang operasyon dahil sa sa KABAYANIHANG kanyang ginawa. Lumaki siya sa tabi ng kalsada kasama ang pamilyang nagmahal sa kanya.
“Nabangga siya ng sasakyan ng tuta pa siya kaya ni minsan ay HINDI na SIYA TUMAWID NG KALSADA.
“Ngunit ng araw na iyon ay MAHAHAGIP sana ng Humahagibis na TRICYCLE ang anak at pamangkin ng kanyang Tatay Rudy, at sa kauna-unahang pagkakataon ay lumundag siya sa kabilang RAMPA ng KALSADA mula sa kanyang puwesto, tinalon nya ang island ng kalsada at kinagat ang KADENA ng motor, NAGUPIT sa SPROCKET at NATANGGAL ANG KANYANG NGUSO huwag lamang masaktan ang 2 bata na kasabay niyang Lumaki.
“Tiyak na naalala ni Kabang ang pagkakataon ng siya ay mabundol ng sasakyan at alam niya ang pakiramdam noon. Ibig sabihin ay nanatili sa kanyang isipan ang insidenteng iyon at ayaw niyang maranasan ng 2 batang kanyang kinalakhang kalaro,” pahayag pa ni John.
Papuri pa niya kay Kabang, “NAPAKATALINONG ASO. Hindi ko napigilang HIKBIAN ang pagpanaw ni Kabang sa kanyang pagtulog kahapon May 17, 2021 sa pagitan ng 4-7 ng gabi.
“Minahal ko si Kabang, at naging panatag ang loob ko kahit malayo siya dahil maraming nagmahal at nag aruga sa kanya. Hinding hindi ko siya MALILIMUTAN. Paalam Kabang, mahal na mahal ka namin,” emosyonal pang pahayag ng magaling na aktor.
Actually, ang daming pumuri kay Kabang. Grabeng pagmamahal ang ipinakita niyang kabayanihan sa dalawang bata.