Alice may pa-tribute sa yumaong ina ngayong mommy na rin

MAS naiintindihan at mas naa-appreciate na ngayon ni Alice Dixson ang pagmamahal at sakripisyo ng mga nanay para sa kanilang mga anak.

Sa kanyang Instagram account, binigyan ng Kapuso actress ng nakaka-touch na tribute ang yumaong ina kasabay ng kanyang pagiging first-time nanay.

Ipinost ng dating beauty queen ang kanyang litrato sa IG habang karga ang kanyang baby girl na isinilang kamakailan lamang sa ibang bansa — sa pamamagitan ng surrogacy.

“Remembering my mom as I am now a mom,” simulang mensahe ni Alice sa kanyang inang si Mommy Coring na inilarawan niyang “strong, business-minded, beautiful, and sexy.”

Pagpapatuloy pa ng 51-year-old na aktres, “I think she was around 33 when she met my father (love story for next time – kilig), and when I was born 37 na siya; my dad 43.

“During those times in the mid-’60s, those ages were medyo late na mag-start ng family — but they persevered because they wanted so much to have a child together. May parallelisms ang motherhood journeys namin,” aniya pa.

Sa isang panayam, sinabi ni Alice na ilang taon din niyang ipinagdasal at hinintay ang pagdating ng kanyang baby. Tulad niya, talagang hiniling din ng kanyang nanay na magkaroon ng anak.

“She said they did a lot including the hilot thing, at ang pagsayaw sa Obando hehe, how menopause baby na ako & how I was conceived on our farm – under a coconut tree daw lol!

“My 1st Mother’s Day passed & thought of how we celebrated for her. Ngayon ko lang talaga na appreciate at naramdaman ang sacrifices n’ya, all the love.

“And even if she didn’t get to meet her 8th apo in person, I know she’s watching over our little family.

“Whatever I am today it’s because of you… I hope to pass all the best qualities to my daughter,” pahayag pa ni Alice na malapit na uling mapanood sa upcoming drama series ng GMA, ang “Legal Wives” kasama sina Dennis Trillo, Andrea Torres, Bianca Umali at Cherie Gil.

Read more...