Paano sinagot ni Dingdong ang tanong ni Zia kung bakit nagwo-workout siya araw-araw?

SIGURADONG ikinagulat ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang nagtatakang tanong sa kanya ng anak na si Zia tungkol sa ginagawa niyang pagwo-workout.

Halos araw-araw kasing nagpapaganda at nagpapakundisyon ng kanyang katawan ang asawa ni Marian Rivera sa kanilang bahay kaya naman nakuha nito ang atensyon ng panganay na anak.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Dingdong ang naging usapan nila ni Zia tungkol sa kahalagahan ng pagwo-workout o pag-eehersisyo na naging bahagi na nga ng kanyang daily routine.

Sey ni Dingdong sa kanyang IG post, “I make it a point to try and engage in any physical activity every morning.

“Because of the routine, Zia would ask, ‘Dad, why do you work out most days even while we are all still sleeping?'” ang bahagi pa ng caption ng award-winning actor.

Agad namang in-explain ni Dingdong kay Zia kung bakit niya ginagawa ito tuwing umaga o kapag may oras pa siya sa gabi bago matulog.

“That genuine question deserves nothing but a sincere response. I told her, ‘…it’s because I want to be healthy for you and our family. I want to live longer and see you achieve your goals and dreams when you grow up.’

“‘I want to be able to carry you comfortably even when you’re…35,” ang paliwanag pa ng Kapuso actor sa kanyang anak.

Aniya pa, ang mga ganitong eksena sa pagitan nilang mag-ama ang talagang tine-treasure ni Dong, “I forgot to thank Ate Z because her curiosity reminded me of the reason why I am doing all of these.”

Aniya pa, talagang may mga taong ipadadala ang Panginoon sa atin para ma-realize ang kahalagahan ng buhay at pamilya pati na ang tunay na misyon natin sa buhay.

“Sometimes, we get misaligned from our objective, but what’s definite is that HE uses beautiful messengers to get us back on track,” sabi pa ni Dingdong Dantes.

Read more...