“WE’RE scheduled for our ultimate last lock-in,” ang sabi ng Kapamilya actress na si Angel Aquino na ang tinutukoy ay ang Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Ngunit agad na nilinaw ng aktres na hindi pa rin nila masasabi na ito na nga ang katapusan ng long-running primetime action-drama series ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Ani Angel, sa pagkakaalam niya ay sasabak na ang buong production team sa kanilang ultimate last lock-in, “But we still don’t know that. Hindi nga natin alam. But we’ll see. ‘Yung lahat.
“Naka-ending mode na kami, but we still don’t know if ABS will decide to extend the show or what,” ang paliwanag ni Angel sa chikahan nila ni G3 San Diego.
Ayon sa aktres, sobra ang pasasalamat niya sa ABS-CBN pati na kay Coco at sa Dreamscape Entertainment dahil hanggang ngayon ay bahagi pa rin niya ng makasaysayang programang ito.
“Truly grateful. God knows kasi what’s best. So, he knows ‘di ba that I need to provide for the girls, ‘di ba?” aniya na ang tinutukoy ay ang kanyang mga anak.
“Just really, absolutely grateful. There’s no other feeling I have. No more questions, no more doubts. Just really gratitude that I feel for He who knows what’s best for everyone.
“So, alam niya kasi He’s my partner, ‘di ba? parang Our Father — He has always been my partner in life. And He knows what I need, what my children need. Each one of us.
“He knows what our hearts, what our lives need. And He will give that to you.
“I’ve always just trusted His wisdom and he’s always given me what I needed,” dire-diretsong pahayag ni Angel.
Ilang beses nang nabalita na tatapusin na ang “Probinsyano” ni Coco, ang huling chika ay hanggang September na lamang ito kasabay ng ika-6 anibersaryo nito sa ABS-CBN.
Ngunit tulad ng sinabi ni Angel, hindi pa rin nila masasabi kung ano ang final decision ng Kapamilya Network. Kayo ba dear BANDERA readers, gusto n’yo na bang tapusin ang kuwento ni Cardo Dalisay o go lang nang go!?