KC gustong mag-host ng Miss Universe: Sana nga ikaw na lang kesa kay Olivia Culpo!

“SANA si KC Concepcion na lang ang nag-host ng Miss Universe 2020 kesa kay Olivia Culpo!”

Isa lang yan sa mga nakakalokang comment ng netizens pagkatapos  ng grand coronation night ng 69th edition ng Miss Universe na ginanap sa Florida, USA.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ng mga fans ang wala raw kabuhay-buhay at napaka-boring na pagho-host ni Miss Universe 2012 Olivia Culpo sa nasabing international beauty pageant.

Ito rin ang dahilan kung bakit na-miss ng fans ang palaging nagho-host ng Miss Universe na si Steve Harvey. In fairness, naging top trending topic pa ang ang sikat na TV host sa social media habang ginaganap ang pageant.

Ilang netizens naman ang matapang na nagsabi na mas magaling pang mag-host si KC Concepcion kesa kay Olivia. Ito’y matapos nilang mabasa sa Twitter ang mensahe ng  singer-actress tungkol sa Miss Universe.

Nagpahayag kasi si KC ng interes sa pagho-host ng Miss Universe pageant. Kung matatandaan, dalawang beses na ring naging host ng Binibining Pilipinas si KC.

Tweet ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, “Ano kaya kung makapag host din ako ng #MissUniverse? Ang saya siguro no?

“Naka ready na naman ang custom made 8-inch heels ko na pinagawa ko for the 2 times na nag pageant host ako for BINIBINING PILIPINAS,” aniya pa.

Komento ng isa niyang Twitter follower, “You’d do a better job than Mario Lopez AND Olivia Culpo.”

“Ikaw na lang talaga sana KC. Kakaloka si Olivia parang wala sa sarili. Parang may own world. At ang announcement sa top 21 at top 10 waley! Wishing na sana si KC na next year!” sabi ng isang fan ng dalaga.

Sey naman ng isa pang netizen, “Goo KC you’re a lot better than Olivia wala syang kalatoy latoy.”

Komento ng isa pang follower ni KC, “Sana nga ikaw nalang. Kesa ke olivia.”

Isa si KC sa mga local celebrities na nagpahayag ng suporta kay Miss Universe Philippines Rabiya Mateo. Simula pa lang ng pageant ay nag-tweet na ang aktres ng, “Mabuhay ang Filipina! Keep shining, Rabiya! Keep shining bright, Rabiya! Sending you all our love! #MissUniverse.”

Samantala, sa isa pang post ni KC sa Twitter, nalulungkot daw siya kapag nababasa ang salitang “failed” sa mga news items na tumutukoy sa pagkatalo ng mga kandidata sa mga pageant.

“Nasasad ako pag sinabing a beauty queen ‘failed’ to reach top spots sa competition.

“A beauty queen still ‘achieves’ so many dreams on her #MissUniverse journey! Why not highlight achievements rather than failures?” katwiran ni KC.

Read more...