Coleen itinuturing na blessing at ‘hero’ si Billy: Thank you for being you!

ISANG malaking blessing kung ituring ni Coleen Garcia ang pagdating ni Billy Crawford sa kanyang buhay.

Binigyang-pugay ng TV host-actress ang pagiging asawa at ama ni Billy sa ipinost niyang birthday message para sa 39th birthday ng singer-actor.

Ibinahagi ni Coleen sa Instagram ang isang video kung saan mapapanood si Billy na nakikipaglaro sa anak nilang si Amari. Dito pinasalamatan niya ang asawa sa pagiging mabuting partner at tatay.

“Happy birthday to the love of my life, and Amari’s #1 hero! Thank you for always making us laugh and smile the way you do.

“We both love you so much, love! Thank you for being you. Every day with you is a blessing,” ang isinulat ni Coleen sa caption ng kanyang IG post.

Nagkomento naman si Billy sa birthday greeting ni Coleen with matching video pa para sa kanya na inilarawan pa niyang isang “gamot” kahit wala naman siyang sakit.

“I adore both of you! Thanks so much for the best baby and video EVER! Hehe. Best medicine even if you ain’t sick,” mensahe ni Billy.

Dagdag pa niya, “Thank you for being patient with me and thank you for your love! Super Blessed husband. Thank You Jesus.”

Bukod sa mga IG followers ni Coleen, binati rin si Billy ng ilang kaibigan sa showbiz kabilang na ang mga dating kasamahan sa “It’s Showtime” tulad ni Vhong Navarro.

Ikinasal sina Coleen at Billy noong 2018 sa Balesin Island sa Quezon Province at last year lang ay isinilang na ng aktres si Baby Amari.

Read more...