Marjorie kay Dennis: People misjudged me…alam kong naging mabuti akong asawa

IKINAGULAG ng aktres na si Marjorie Barretto ang ginawang pag-amin ng ex-husband niyang si Dennis Padilla na kasalanan niya kung bakit sila nagkahiwalay.

Hindi in-expect ni Marjorie na hihingi ng paumanhin ang dating asawa sa lahat ng naging kasalanan at pagkukulang nito sa kanya at sa kanilang mga anak.

Naglabas ng saloobin ang komedyante tungkol sa dati nilang pagsasama ni Marjorie sa vlog ng kanilang anak na si Julia Barretto kung saan matapang nitong inako ang mga nagawang pagkakamali sa kanyang pamilya noon.

Sa guesting naman ni Marjorie sa vlog ni Toni Gonzaga sa YouTube, natanong nga siya kung ano ang na-feel niya habang pinanonood si Dennis sa intimate conversation nila ni Julia.

“He and I have been separated for more than 14 years. I never thought the day would come that he would say na may kasalanan din siya sa breakdown ng marriage namin. He said na it was his temper, it was his anger,” pahayag ni Marjorie.

Aniya pa, “I was with him for such a long time. I know I was a good wife. I know I was there in more downs than ups.

“I know that I forgave him over and over again, so I was wondering why he didn’t remember me as a good wife, or why wasn’t he spending that much time with his kids,” dagdag pang sabi ng nanay ni Julia.

Sa ngayon daw ay masaya na siya sa kanyang buhay lalo na ngayong maayos na ang relasyon ni Dennis sa kanilang mga anak. Bukod kay Julia may dalawa pa silang anak, sina Claudia at Leon.

“People misjudged me, thinking na I was encouraging my kids not to have a good relationship with their father.

“As a matter of fact, even Dennis thought for a long time that I was the one preventing him from seeing my kids.

“No, eh. I want my kids to have peace with both parents kasi I don’t want them to harbor hatred kasi mabigat yun, lalo na kung magulang mo yung kaaway mo,” chika pa ng hindi na aktibong aktres.

Narito naman ang mensahe niya sa dating asawang komedyante, “I would like for him to continue his new journey as a less angry person. Para ma-enjoy na niya the remaining years of his life, na he’s part of all of his children’s life.”

Read more...