Anne, Karla, Iya, Pokwang nanawagan ng ayuda para sa mga pasyente ng PGH: Bayanihan tayo!

NAGSANIB-PWERSA ang ilang kilalang celebrities para makapagbigay ng tulong sa mga pasyenteng naapektuhan ng sunog sa Philippine General Hospital kahapon.

Ilan sa mga mabilis na nagpahatid ng ayuda at suporta ay ang mga TV host-actress na sina Anne Curtis, Karla Estrada, Pokwang at Iya Villania.

Bukod sa personal na tulong, nanawagan din si Anne sa kanyang fans at social media followers na kung kaya pa ay magbigay din ng ayuda sa mga naapektuhan ng sunog sa nasabing ospital.

“Hi everyone! Devastated to hear about the fire that hit PGH. My @DreamMachinePH team has spoken to our contact there.

“I will personally be donating… but will share more details for those who would like to help too! Stay tuned,” ang mensaheng ipinost ni Anne sa kanyang Twitter account.

At para sa lahat nga ng gustong tumulong, “For those who would like to donate cash or in kind to help PGH. Here are the details from their OFFICIAL FACEBOOK page. Please take note of account details.”

Hinikayat din niya ang mga kapwa mommy na mag-donate ng gatas para sa mga premature na sanggol at mga batang may sakit na naka-confine sa PGH, “Milk Mamas! If you have some extra to spare! Please!”

Samantala, nag-post din si Karla sa kanyang socmed account tungkol sa nangyaring sunog sa PGH at nanawagan ng donasyon para sa mga pasyenteng direktang naapektuhan ng insidente.

“Bayanihan na tayo para sa PGH na nakaranas ng sunog. Your kind heart is badly needed this time,” ang mensahe ng nanay ni Daniel Padilla.

Nag-post din si Iya Villania sa social media ng litrato ng mga baby na nasa PGH kasabay ng paghingi rin ng tulong sa kanyang mga tagasuporta.

“Milk donations would be greatly appreciated!” ang panawagan ng misis ni Drew Arellano.

Ni-repost naman ng komedyanang si Pokwang ang post ng kaibigang direktor na si Mae Cruz Alviar, “A call for donations for the Philippine General Hospital since it caught fire last night. Details for ways to donate are in the last photo. Lord, please protect the health workers and patients especially the little ones and those who are gravely ill.”

Read more...