Resbak ng kaibigan ni Kris sa bashers: Nagbayad ba kayo ng tax kay Rabiya?

SALA sa init, sala sa lamig ang ilang mga kababayan natin para sa ating kandidata sa 69th Edition ng Miss Universe na si Rabiya Mateo.

May mga pumupuri sa performance niya sa ginaganap na preliminaries ng pageant habang ang iba naman ay todo ang pamba-bash sa kanya lalo na sa isinuot niyang evening gown at national costume.

Naapektuhan si Rabiya sa mga nababasa niya sa social media kaya ang payo sa kanya ay huwag munang magbasa at mag-focus na lang sa competition.

Bukas ng umagay ay malalaman na kung sino ang tatanghaling Miss Universe 2020 na mapapanood nang live via A2Z channel. Ang ABS-CBN ang official partner ng 69th Miss Universe.

Anyway, ayon kay Atty. Gideon Peña na kaibigan ni Kris Aquino tungkol sa bashers ni Rabiya, “Nagbayad ba kayo ng tax kay Rabiya? Nakinabang ba siya sa kaban ng bayan? Eh bakit ang dami niyong puna sa kanya pero sa mga nakaupo sa gobyerno wala?”

Ipinagtanggol din ng netizen na si Terry Ortiz ang ating kandidata, “So here’s my take para sa mga demanding na fans (kuno).

“Last time, when Gazini (Ganados) won the Miss Universe PH crown. You hate her. Kesyo hindi naging maganda ang sagot at hindi mala-Catriona (Gray) ang dating.

“You pushed her so much kahit na nakikita n’yo naman ‘yung effort niya sa training, especially her comm. skills.

“You bashed her kahit na alam niyong mahirap talaga at nakaka-pressure maging rep ng Pinas sa MU kasi nga every year may placement since 2010. Kasi ang gusto niyo, mala-Catriona ang galaw. Mala-Catriona ang damit. Mala- Catriona ang pagsasalita.

“To the point na hindi na nagawa ni Gaz maging natural, she looked and sounded over rehearsed na prior to the finals, lalo na nu’ng Opening Statement. Which turned out the back-to-back aim didn’t happen.

“And now, pinuputakti n’yo si Rabiya just because hindi na naman mala-Catriona o Pia (Wurtzbach) ang galaw. Walang slowmo twirl, tornado walk, earthquake walk, kurikong walk etc. Hindi na naman mala- Catriona o Pia ang damit. Hindi na naman mala-Catriona ang pagsasalita.

“Pati NatCos na wala namang bearing sa kumpetisyon, pinuna nyo rin. Sana wala na lang kayo, kasi kami NOON masaya na sa Miss Photogenic Award.

Masaya na kami sa 4th, 3rd, o 1st Runner-Up placement (pero except 2012 charrr! char lang mareng Olivia!) o kaya kahit Top 10 at Top 20.

“Support lang kami no matter what. Proud na kami non. Hindi gaya niyo na napaka-demanding. Ni hindi niyo nga magawang maging muse sa classroom n’yo o kaya lumaban sa Intrams at Barangay Pageant tas antataas ng ego at standard niyo? Gigillll!!

“Eto lang masasabi ko, ONE PIA IS ENOUGH. ONE CATRIONA IS ENOUGH. WE NEED ONE RABIYA TO PERFORM. AND SHE DID. AT SIYANG-SIYA YON, WALA NG IBA. #AribaRabiya (Philippine Flag),” ang matapang na pahayag ng netizen.

Read more...