BINALIKAN ng Kapuso actress na si Sophie Albert ang naging struggle niya noong nagbubuntis pa lamang siya hanggang sa maisilang na si Baby Avianna.
Ayon kay Sophie, inatake rin siya ng depresyon noong nasa sinapupunan pa lamang niya ang panganay na anak nila ni Vin Abrenica ngunit nilabanan niya ito nang bonggang-bongga.
Aniya, kinailangan din daw niyang lakasan ang loob niya dahil ayaw niyang magkaroon ng problema ang dinadala niyang sanggol.
Todo rin daw ang suporta at pag-aalagang ginawa sa kanya ni Vin kaya alam niyang malalampasan din niya ang lahat ng takot at pangambang nararamdaman niya.
“And also, being stuck at home. It kinda got me feeling really sad. I feel felt like I had a little bit of…I don’t know if it’s depression, but I feel l did get depressed at some point when I was pregnant.
“My routine, like being able to work out, I was so active before I got pregnant, I couldn’t do that anymore. There were just so many things that I couldn’t do,” pahayag ng aktres sa panayam ng GMA.
Kuwento pa ni Sophie, nakadagdag din daw sa pag-aalala niya nang ipanganak niya si Baby Avianna noong March 15 via C-section. Hindi kasi niya ito na-anticipate dahil talagang ang nasa isip niya ay normal delivery.
Kinailangan din daw na manatili ang kanilang anak sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU) dahil nagkaroon ng maraming tubig sa lungs nito.
“It was a whole night na I couldn’t see her. So pinilit ko talaga to stand up and to be able to go down to the NICU. I was in so much pain.
“My BP went so low, I almost fainted. They had to carry me with the stretcher back to my bed,” pagbabalik-tanaw pa ni Sophie.
Ngunit sa kabila ng lahat ng hirap na kanyang pinagdaanan bilang first-time mom, mas na-feel ngayon ni Sophie ang pagiging “empowered woman.”
“I feel more empowered as a mom now. And we really try to make this whole parenthood journey fun.
“I feel so much love for her that I never thought I would feel for anyone. Even as I say it, parang naiiyak ako kasi I love her so much,” sey pa niya.
Naniniwala rin si Sophie na mas naging matatag pa ang relasyon nila ni Vin nang dahil sa pagdating ng kanilang anak.
Aniya, napakarami kasing biglang nangyari sa relasyon nila ng kanyang fiancé nito lamang pandemic — nabuntis siya at nanganak, na-engage at lumipat sa bago nilang bahay.
“Our relationship was so steady and then everything just happened all at the same time during a pandemic.
“If it were up to us, it probably wouldn’t happen when it happened. I guess it was the push we needed to take our relationship to the next level,” chika pa ni Sophie.