HINDI nagpatalbog ang internet sensation na si Miss Everything sa inirampang national costume ni Miss Philippines Rabiya Mateo para sa 2020 Miss Universe pageant.
Walang takot at punumpuno ng confidence na ibinandera ni Miss Everything o Ericka Camata sa tunay na buhay ang very own version niya ng kanyang national costume sa social media.
Makikita sa ipinost niyang litrato sa Facebook ang kinopyang national costume ni Rabiya habang rumarampa sa kalye ala-beauty queen.
Aniya sa caption, “You are not a feel how harderist to carry the 21 1/4 sheet of paper kilograms of this back pack walking in the street.
“And the functional feeling is to smile or face the fears in the teddy bear feathers with red and blue wine colors. So don’t hate.
“Just love and support our queen to her journylism. Laban Philippines,” ang pahayag pa ni Miss Everything sa sarili niyang “English language.”
Umani naman ng papuri ang social media star mula sa mga netizens dahil sa kanyang effort at lakas ng loob na gayahin si Rabiya sa gitna ng pamba-bash sa Pinay beauty queen matapos ang national costume competition.
Kung matatandaan, marami ang na-disappoint sa performance ni Rabiya dahil bukod daw sa parang hindi siya kumportable sa suot niya ay hindi rin kumpleto ang costume niya dahil wala ang kanyang headpiece.
Kaya naman iyak nang iyak na nagpaliwanag ang dalaga sa buong universe kung ano ba talaga ang nangyari kasabay ng paghingi niya ng paumanhin sa mga Filipino.
“I’m so sorry kung na-disappoint man kayo sa akin. But I know na I did my best. I even cut my finger earlier and ‘yung stockings ko puno na rin siya ng dugo. But I kept fighting,” bahagi ng paliwanag ni Rabiya sa kanyang Instagram Live.
Kasunod nito, nagpaliwanag din si Miss Universe Philippines National Director Shamcey Supsup kung bakit hindi na isinuot ni Rabiya ang sun headpiece.
“I’m pretty sure alam niyo naman na I brought the headpiece for Rabiya but unfortunately it was… she couldn’t wear it. Nahuhulog.
“It was hard for her to wear it, so we decided na kung saan siya mas komportable. Mabigat na rin kasi ‘yung wings niya in the first place.”
“We’re so sad na hindi nasuot but still, Rabiya was able to give us a powerful performance,” ani Shamcey.
Dumepensa rin si Miss Universe 2018 Catriona Gray para kay Rabiya, “Rabiya Mateo does not need to apologize! She worked that stage and PER-FORMED.
National costume is a segment to celebrate culture and a country’s identity, but isn’t a part of the scoring towards the crown. Kaya laban lang, Queen!”
Ang nasabing headpiece ay ginawa ng Bulacan-based jeweler na si Manny Halasan.