Simula sa Lunes, May 17, ibabalik na ang voter registration, kasama ang satellite registration at voter’s certification sa lahat ng Office of the Election Officers (OCE) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at iba pang lungsod at probinsya.
Ito ay kasunod ng pagsasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ng mga nabanggit na lugar simula sa May 15 hanggang 31, 2021.
Maaaring maghain ng aplikasyon sa mga OEO mula Lunes hanggang Biyernes, o sa satellite registration sites sa Sabado, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Payo ni Comelec spokesperson James Jimenez sa publiko, direktang makipag-ugnayan sa kanilang lokal na COMELEC office ukol sa schedule ng satellite registration sa kanilang lugar.
“Even as our field personnel will conduct disinfection activities at the end of each working day, which will not affect registration hours, the OEO will be closed on the disinfection day prescribed by their local government,” saad nito.