Magiging katawa-tawa para kay Pangulong Rodrigo Duterte kung magpapasaklolo ang Pilipinas sa United Nations para labanan ang China sa usapin sa West Philippine Sea.
Tanong ng Pangulo, kailan pa ba naging kapaki-pakinabang ang UN?
“Ano pa bang papel gusto niyo papuntahin ako doon sa — ? Kailan pa ba naging useful ‘yang United Nations, kayo-kayo lang diyan? Kayo kasing mga ano puro papel kayo, puro theory. Hindi ninyo alam kung gaano kahirap kung magkapasubo — magpasubo ang Pilipinas,” pahayag ng Pangulo.
“Wala na, saan ako magpunta? To what body, the United Nations? Nako… Please, spare me the — maging comedy lang ako diyan,” dagdag ng Pangulo.
Matatandaang nanalo ang Pilipinas kontra China sa Permanent Court of Arbitration sa agawan ng teritoryo subalit hanggang ngayon, hindi naman sinusunod ng China ang desisyon na ito.